in

Hiwalayan diumano nina Tom Rodriguez at Carla Abellana third party ang dahilan ayon kay Cristy Fermin

Isang rebelasyon tungkol sa diumano’y hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang ibinahagi ni Cristy Fermin.

Ilang araw na ngang usap-usapan ang tungkol sa matunog na hiwalayan nina Tom at Carla. Tatlong buwan lamang ang nakalipas ng sila ay ikasal.

Palaisipan naman sa marami kung ano nga ba ang dahilan at bigla na lamang silang nagkalabuan.

Kaya naman sa latest episode ng programa ni Cristy Fermin ay ibinahagi na niya ang tunay na rason. Aniya may third party daw kasing namagitan.

At ang tinutukoy umanong third party ay isa ding Kapuso actress. Ito ay ayon sa mga sources ng batikang kolumnista.

Saad ni Cristy, “Hindi mo pwedeng pasubalian na yung girl talaga na kilala natin ang dahilan.”

“Hindi lang po dalawa, hindi tatlo, hindi lima ang aming impormante,” pagdidiin nito.

“Sigurado po, siguradong-sigurado po yung mga nagbabalita sa amin ni Romel kung sino yung babaeng nahuli eh, no? Nahuli daw ni Carla. Nahuli ni Carla,” paliwanag pa ni Cristy.

Aniya pa, ang mga kaibigan niya na nagtatrabaho sa network ang mismong nagbahagi sa kanya ng impormasyon na iyon.

“Yung mga nagtatrabaho po sa produksyon, sa mga network, marites din nating maituturing ang mga taong ito, at sila po mismo ang nagparating sa amin ng balita tungkol sa hiwalayan.”

Sobrang nanghihinayang si Cristy sa nangyari kina Tom at Carla.

Sinabi din nito na nakasama daw sa iseng serye ni Tom ang nasabing babae. At naganap daw ang miIagro habang nasa lock in taping sila.

Tom Rodriguez at Carla Abellana, naka follow na ulit sa isa’t-isa sa Instagram

Sikat na vlogger na si Donnalyn Bartolome mamimigay ng worth 2Million brand new house sa kanyang mga fans