in

Hindi daw nakatiis, pagbabalik ni AJ Raval sa social media pinuna ng mga netizens

Mukhang hindi natuwa ang maraming netizens sa pagbabalik ni AJ Raval sa social media.

Matatandaang nagdesisyon si AJ na magpahinga muna sa social media. Matapos siyang madamay sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Sa isangTikTok video nito lamang Oktubre 20 ay humingi ng tawad si AJ kay Kylie matapos niyang ibahagi ang post ni Aljur tungkol sa umano’y panl0l0ko ng kanyang misis.

@ajravsss♬ original sound – Aj Raval

Inamin din ni AJ na nanliligaw sa kanya si Aljur.

Sa nasabi ring TikTok video ay ipinaalam din ni AJ na pansamantala muna siyang magpapahinga sa social media. Para maprotektahan ang kanyang mental health.

Ngunit nito lamang October 31 ay muli siyang nag-post, at ibinahagi ang kanyang new look.

“New look for the new project!!” ani ng anak ng action star na si Jeric Raval.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Para sa bagong movie project kaya naman kinuyog ito ng netizens.

Makakasama niya sa kanyang bagong prokyeto entitled ‘Hugas’ ay si Sean De Guzman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval Fan (@ajraval_fan)

Muli naman siyang winelcome ng ilan sa mga kaibigan niya sa industriya ng showbiz.

Ang mga kasamahan sa showbiz na nag-welcome back sa kaniya sa IG ay sina Rico Robles, Bubbles Paraiso, at Maui Taylor.

Pero marami namang netizens ang nagsabing napakabilis daw ng social media detox ng aktres.

At tila hindi nakatiis si AJ.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Kala ko ba may social media detox ka??? LMAO.”

“Sabi mo ayaw mo muna ng social media ba’t nag post ulit.”

“HAHAHAHA kala ko ba next year kana magpopost? its a prank.”

‘Siya dapat si Daniel Padilla ngayon’, Cristy Fermin naawa sa sinapit ni Albie Casiño nang dahil kay Andi Eigenmann

Alexa Ilacad at Albie Casiño nagkainitan sa PBB dahil sa kanilang food budget