in

Helicopter na sinakyan ng bagong kasal na sina Kris Bernal at Perry Choi usap-usapan ngayon online

Napaka bongga ng bridal vehicle na sinakyan ng bagong kasal na sina Kris Bernal at Perry Choi.

Isang helicopter ang sinakyan nina Kris at Perry matapos ang kanilang kasal. Ang kanilang wedding ceremony ay ginanap sa St. Alphonsus Mary de Liguori Church sa Makati.

Planadong planado ang naging pag-iisang dibdib nila Perry at Kris. Mula sa bridal vehicles, sa mga dekorasyon sa simbahan na punung-puno ng sun flowers.

Hindi naman itinanggi ni Kris na sun flower ang paborito niyang bulaklak. Pagdating naman sa kanyang bridal car ay taliwas sa kinaugalian ang kanyang sinakyan.

Imbes na simple o nakasanayan ng bridal car ang naghatid sa kanya sa simbahan ay isang FJ Cruiser ang sinakyan ng aktres.

Pagtapos naman ng seremonya ng kasal ay isang helicopter ang kanilang vehicle get away. Isang photo shoot pa sa helipad ang inenjoy ng mag-asawa bago lumipad papuntang resception.

Ayon pa ng sa IG post ni Kris, My wedding day was as magical as the ones that I watch and read while growing up. 🥲 I felt like I was in a fairytale book. It’s a dream come true.”

Pinaalamatan niya din ang magagandang litratong kuha ng Nice Print Photo.

Aniya, “From the bottom of our hearts, we would like to say the biggest THANK YOU to @niceprintphoto. They are BEAUTIFUL, BREATHTAKING, and everything we could have ever dreamed of. They perfectly captured the raw emotion in our eyes, the natural moments of pure bliss plus all the magic in between”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Naka-live sa YouTube channel ng actress ang kanilang kasalan.

‘Yun nga lang, maraming live viewers ang nagreklamo dahil kung saan-saan tinututok ng cameraman kaya nawawala sa focus ng ikinasal.

Janella Salvador hayagang ibinahagi na not in good terms na sila ngayon ni Julia Barretto

Ivana Alawi hindi napigilan ang kanyang emosyon ng alalahanin ang huling sandali kasama ang kanyang ama