in

Heaven Peralejo piniling unahin muna ang sarili sa gitna ng mga kontrobersiyang kinakaharap

Dahil sa mga intrigang kinasangkutan, napagdesisyunan ni Heaven Peralejo na mahalin muna ang kanyang sarili.

Unang nakilala si Heaven taong 2016 nang sumali siya sa Pinoy Big Brother. Aminado ang aktres na hindi siya handa sa mga intrigang kakaharapin niya.

Limang taon ang nakalipas, naging sentro na nga si Heaven ng mga kontrobersiya.

“In every aspect of life, hindi ka naman talaga magiging ready, kahit sabihin mong ready ka. Hindi mo naman makikita kung gaano ‘yung gravity ng isang bagay, especially, kunyari, when it comes to bashing, and kung paano pala makaka-affect iyon sa ‘yo and sa family mo,” saad ni Heaven sa ABS-CBN News.

Naging tampulan ng intriga si Heaven ngayong taon. Noong Marso, idinawit siya bilang third party sa hiwalayang Kiko Estrada at Devon Seron.

Noong Hunyo, namataan sila ni Kiko sa Boracay kaya marami ang nagdudang may katotohanan ang noo’y haka-haka pa lang nilang relasyon.

Unang linggo ng Agosto, inamin nina Heaven at Kiko na may relasyon nga sila.

Ngunit makalipas lamang ang isang linggo, lumutang naman ang balitang hiwalay na umano sila.

Hindi naman tinalakay ni Heaven ang totoong status nila ngayon ni Kiko. Pero aniya sa mga nangyayari sa kanya ngayon, “I guess it was a rollercoaster.”

“Right now, I’m in the phase of loving myself. No joke. Every morning and every night, nandoon ako sa mga affirmations. They say, ‘di ba, na ‘pag sinasabi mo ‘yan sa sarili mo, parang magnet iyon, so iyon ‘yung magiging buhay mo. Alam mo, ‘yung mga things na hindi ko alam na kaya kong gawin, nagagawa ko pala, in a good way.”

Panoorin dito ang kabuuan ng panayam sa aktres:

Kapatid ni Antonette Gail Del Rosario pinasinungalingan ang mga pahayag niya sa programa ni Raffy Tulfo

Mga paintings ni Heart Evangelista aabot pala sa milyones ang presyo, nakabenta ng worth 3 million