in

Heaven Peralejo pinaglaban sa netizens ang kanyang birthday post caption na “22 rotations around the sun” sa kanyang Instagram live

Heaven Peralejo pinagpilitan ang kanyang birthday post caption sa social media.

Mainit na naman ang pangalan ng former Pinoy Big Brother housemate na si Heaven Peralejo sa social media. Wala pang pahinga ang isyu sa pangalan ng huli simula nang makaladkad siya sa third party issue nila Kiko Estrada.

Kahapon, November 26, nagdiwang ng kanyang 22nd birthday ang Kapamilya aktres. Mula sa kanyang mga posts sa social media, mahihinuha na nag celebrate si Heaven sa isang beach resort kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.

Bilang nahagi ng kanyang celebration, nag post ang Bagong Umaga star sa kanyang Instagram ng solo picture sa beach.

Caption ni Heaven, “22 rotations around the sun and cheers to more [sun emoji]

Grateful for all the lessons, blessings, and people in my life that have helped shape the woman I’m becoming.

Here’s to thriving, smiling, and riding through the waves of life!”

Agad umani ng atensyon at komento ang naging caption ni Heaven. Napansin kasi ng netizens na may mali sa “22 rotations” ni Heaven.

Paliwanag ng mga ito sa dalaga, ang rotation ay isang araw lamang at ang tamang termino daw dapat ay “revolution” na may kaakibat na isang taon.

Sa naging IG live ni Heaven, pinaglaban pa ito ng aktres. Kasama ang kaibigan, pinaliwanag nila ito.

“May issue na naman sakin, sa 22 rotations. Okay, around the sun, okay? Gets ba?” sabay sabi sa kaibigan na ipaliwanag ito.

Agad naman sinalo ng kaibigan si Heaven at pinagpilitan din ang caption ng birthday girl.

Sa huli, binago din ni Heaven ang kanyang caption at nagpasalamat pa sa netizens sa “Science lesson.”

Buboy Villar naging emosyonal sa pag-uwi ng panganay niyang anak sa mommy nito sa America

Ellen Adarna walang prenong sinupalpal ang basher sa kanyang Instagram “new look” post