in

Heaven Peralejo aminadong gumastos ng halos kalahating milyon dahil sa pagmamahal sa dating karelasyon

Pagiging single, finding herself, paggastos sa lalaki at kung anu-ano pa ang inamin ni Heaven Peralejo sa kanyang latest vlog.

Isang buwan ang nakalipas ng burahin na ni Heaven ang mga litrato nila ni Kiko sa Instagram. Ngayon ay inamin na ng aktres na siya ay single na nga talaga.

Ito ang inamin ni Heaven sa “Drink or Spill” challenge kasama ang kanyang mga kaibigan sa kanyang vlog.

Nang matanong tungkol sa kanyang relationship status saad ng dalaga, “I am single, but not ready to mingle.”

“Nandito ako sa phase na… Sobrang cliche, but I’m just loving myself. I’m getting to know me. Ibang phase talaga ‘yon,” she said. “Kaya nandito ako rin sa Siargao kasi I want to learn independence, enjoy life, na I don’t need any relationship. I just need my friends, and I just need me.”

“I am really happy right now, super happy. As in walang bigat sa puso ko, nandoon ako sa phase na ‘yon.”

Nang matanong naman kung magkano ang pinakamalaking nagastos niya sa isang lalaki ay biglang napahinto si Heaven.

Nagisip muna maigi ang aktres, at sinabing malaki at lagpas kalahating milyon umano ang nagastos niya dahil sa sobrang pagmamahal.

Nag-react naman ang kanyang dalawang kaibigan at sinabing t@nga siya at hindi naman daw siya sugar mommy.

“Pag nagmahal kasi ako as in all out, kahit naman sa family ganun ako, mahal ko kaya ok lang pera lang yan matatrabaho ko yan,” paliwanag naman ni Heaven.

Hirit na tanong naman ng kanyang kaibigan kung hindi daw ba niya pinagsisihan ang nagastos niyang iyon.

Saad naman ni Heaven hindi niya ito ni-regret dahil minahal naman umano niya ang dating kasintahan na hindi niya pinangalanan.

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Jeric Raval aprubado nga ba ang pangliligaw ni Aljur Abrenica sa anak na si AJ Raval? “Hindi naman third party ang anak ko”

Hiwalayan nina Miss U Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at girlfirend nito isiniwalat ng isang netizen