in

Heart Evangelista sobrang bumilib sa isang fan na ipinatattoo sa mukha nito ang kanyang pangalan

Nagulat at hindi makapaniwala ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa ginawang ito ng kanyang avid fan.

Speechless ang aktres sa kanyang tagahanga na isang lalaki. Dahil bongga ang naging pagpapakita nito ng suporta para kay Heart.

Ipina-tattoo kasi ng nasabing fan ang pangalan ni Heart sa kanyang jawline. Kumpleto ang pangalan ni Heart sa tattoo. Ang “Heart” nasa right jaw at ang “Evangelista” ay nasa left jaw.

Heart Evangelista sobrang bumilib sa isang fan na ipinatattoo sa mukha nito ang kanyang pangalan

Amaze na amaze naman dito ang aktres. Kaya ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram Stories. Sinabi pa niyang nahigitan pa daw ng fan na ito ang kanyang mister na si Chiz Escudero.

Ani Heart, “wow this is intense. I am flattered in a major way… I don’t know what to say… All I know is he beat my husband!”

Wala namang ibang detalye kung nakausap na ba o may reward bang natanggap ang lalaki mula sa aktres.

Samantala, agad namang umani ito ng samut-saring reaksyon mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Errrrrr intense nga…. so creepy though”

“Haha grabe paghanga yan as in nakatatak sa mukha”

“Medj creepy for me. Baka maging sobrang obsessed na yan to the point na pati life mo malagay sa dang3r”

“Girl that’s a major red flag. Hello creepy stalker yung man.”

Ikaw anong masasabi mo dito?

Richard Gomez ipinaranas sa anak na si Juliana ang buhay sa bukid kasama ang mga kaibigan nito

Tution fee sa International School ng mga anak nina Jinkee at Manny Pacquiao nakakalula ang presyo!