in

Heart Evangelista sinupalpal ang kanyang basher sa kanyang Instagram na nag komento sa kanyang “kili-kili”

Heart Evangelista may sarcastic na supalpal sa kanyang basher sa Instagram.

mahirap talaga maging artista o public figure minsan dahil hindi maiiwasan na lahat ng bagay ay mapupuna ng lahat sayo.

Katulad na lamang ng Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Kilala ang aktres ngayon sa social media dahil sa kanyang God-like Outfit Of The Day (OOTD) at sa mga mamahaling koleksyon nito.

Kaya naman hindi maitatanggi na agaw atensyon talaga sa madla ang aktres. Pero hindi talaga maiiwasan ang mga taong pupunain kahit ang simpleng bagay.

Sa Instagram, nag bahagi ng vacation photo ang OOTD Queen kasama ang asawa na si Chiz Escudero.

Makikita sa nasabing larawan na naka brallete top ang Kapuso actress. Magkatabi sila ng kanyang asawa sa iisang upuan.

Sa comment section, marami sa kanyang fans ang kinikilig dahil sa sweetness nilang mag-asawa. Pero may isang netizen na sa halip na pansinin ang picture ng mag-asawa, kili-kili ni Heart ang pinagtuunan pansin nito.

Komento ng basher kay Heart, “Parang lukut-lukut kilikili nio? [Laughing emojis]”

Hindi naman ito pinalagpas ng asawa ni Chiz at may sarkastikong sagot ito sa basher.

Sagot ni Heart, “hi perfect! Habang may dugo ka sa katawan your skin will move, bulge, wrinkle or stretch [Smiling face]”

“Hindi naman wax figure unless pa edit ko? Ayoko naman yun [Smiling face]”

Nakaktawang sabi pa ng aktres, “Stay perfect share naman tips [smiling face]”

Ilang beses nang sinagot ni Heart ang kanyang mga bashers at hindi lang ito basta supalpal dahil laging siyang may “classy and sassy” na sagot.

Elisse Joson at McCoy de Leon umamin na sa publiko na may anak na sila, kinuhang ninong si Big Brother

Kuya Kim Atienza usap usapan ang komento sa Instagram post ni Anne Curtis nang mag 12 years ang It’s Showtime