in

Heart Evangelista ginawa ng 50 thousand pesos ang pabuya sa makakahanap sa aso niyang nawawala

50 thousand pesos ang reward na ibibigay ni Heart Evangelista sa makakatulong mahanap ang kanyang pet dog.

Nobyembre 3 nang mag-post si Heart sa Twitter tungkol sa nawawalang aso at nag-alok siya ng P10,000 na pabuya para mahanap ito.

Ayon kay Heart, huling nakita si Luka sa labas ng Dasmarinas Village sa Makati, sa Alphaland.

“Help us find him,” saad ng aktres.

Dalawang araw makalipas nito na hindi pa rin nakikita si Luka, itinaas na ni Heart ang pabuya sa P50,000.

Tweet muli ng Kapuso actress, “sana matulungan niyo kami … Baka na sa edsa siya ? He is very afraid of people so Baka nagtatago sa mga bridge … last seen outside dasma village , around alpha land … pls refer to my other post for contact details”

Ang nasabing aso ay hindi pagmamay-ari ni Heart kundi ng kanyang kaibigan na si Celine Lopez.

Mukhang tumutulong lang si Heart para ipakalat ang balita upang mahanap agad ang nawawalang aso.

Marahil ay bukod sa malapit niya itong kaibigan, ramdam ni Heart ang sakit na nararamdaman nito sa pagkawala ng alaga.

Isa si Heart sa mga celebrities na kilala sa pagiging mahilig sa pag-aalaga ng mga aso. Sa katunayan, makikita sa kanyang Instagram kung gaano niya kamahal ang kanyang mga alaga.

Reaksyon ng aktor na si Marvin Agustin habang nagpapa-tattoo kinatuwaan ng mga netizens

Marco Gallo aminadong nami-miss ang kabaitan ng mga magulang ng dating nobyang si Juliana Gomez