in

Heart Evangelista balik Paris muli, rumampa para sa Dior Fashion Week

Muli na namang rumampa sa fashion week ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.

Balik Paris ngang muli si Heart para rumampa sa Ready-to-Wear Collection Autumn-Winter 2022-2023 fashion show ng Dior.

Sa kanyang Instagram post ay nagbahagi si Heart ng isang video. Kung saan ipinakita niya ang ginawa niyang paghahanda para sa dadaluhan niyang event

“Ready for you, #DiorAW22  Can’t wait to witness yet another stunning display by @dior and @mariagraziachiuri Walk the streets of Paris with me again! See you in a few hours,” saad ng aktres sa kanyang caption.

Sa sumunod naman niyang post ay nagpasalamat si Heart sa Dior sa muling pag-imbita sa kanya ng mga ito. Aniya, “What a way to start this month! I’m back in Paris and ready to slay Thank you @dior for inviting me”

Inirampa naman ni Heart ng very fashionable ang black and yellow plaid na kanyang suot sa unang araw ng fashion week.

Naging twinning pa nga sila ng KPop star at Black Pink member na si Jisoo sa kanilang OOTD.

Ibinahagi din ng aktres ang video na kuha ng isang photographer sa event ang pagrampa niya sa tinaguriang City of Lights.

Kylie Padilla ipinamalas ang galing niya sa billiards sa set ng bago niyang serye na ‘Bolera’

Toni Fowler, Hindi napigilan ang sariling sagutin ang isang netizen na puna ng puna sa pag paparetoke niya.