in

Hanger Mayaman Version: Hanger ni Heart na may mamahaling brand, kinagiliwan ng netizens “hindi ako aaray kapag yan pinalo sakin”

Hanger ng pang mayaman! Kagamitan ni Heart Evangelista kinagiliwan na naman ng mga netizens!

Talaga nga namang ipapamukha daw ni Heart sa karamihan kung gaano sila “kahampaslupa” dahil sa mga mamahaling kagamitan nito. Kilala ang Kapuso actress sa kanyang mga mamahalin at pang malakasang OOTD.

Noong kailan lamang nga ay muli niyang pinatunayan ang pagiging fashionista niya. Ayon sa bali-balita, nagkakahalaga ng 12 million pesos ang naging kasuotan ni Heart noong nagdaang birthday celebration niya.

Ngayon naman, may panibagong post si Heart sa kanyang Instagram na talagang agaw atensyon na naman sa mga netizens. Pinagkatuwaan pa nga ito at inulan na naman ng mga nakakaaliw at nakakatawang komento.

Nag post kasi si Heart ng hanger. Pero hindi lang basta hanger ito dahil may tatak ito ng luxurious brand na Channel!

Kaya naman ang mga netizens, nagsulputan na naman sa kanyang Instagram post at sa comment section ay nagkalat na naman ng mga witty comments.

Komento pa ng iba, ang halaga daw ng Channel na hanger ni Heart ay mas mahal pa sa kanilang mismong damit.

Narito ang ilan sa mga nakakatawang komento ng mga witty netizens:

“Kapag ako nahampas ng hanger na ito magpapasalamat pa ako”

“Kung ganyan man lang ipapalo saken ni mama why not HAHAHAHA joke lang po”

“Hampasin moko nyan…. Ako pa mag so sorry!”

“Pg yan hinanger sa labas ung damit maiiwan ung hanger ung mawawala”

“Grabe isa talaga akong ganap na hampaslupa”

Alexa Ilacad, proud na ipinakita ang promise ring na regalo sa kanya ni KD Estrada sa kanyang kaarawan

Toni Fowler ipinasilip na sa kanyang mga fans ang resulta ng muli niyang pagpaparetoke