in

Gwapong Pari na si Fr. Ferdinand “Ferdi” Santos trending online, kinakikiligan ng maraming kababaihan

Maraming kababaihan ang kinikilig ngayon sa napaka gwapong pari na si Fr. Ferdinand “Ferdi” Santos.

Likas sa ating mga Pinoy ang humanga sa may mga maamong mukha. Ngayong usong uso na ang social media ay maraming bigla na lamang nagba-viral dahil sa kanilang itsura.

May ilan na nagtitinda lamang ng kakanin, ng gulay, ng sampaguita, at kung anu-ano pa ang nagiging sikat bigla. Dahil sa taglay nilang kagandahan at kagwapuhan.

At kamakailan nga lamang isa Filipino priest naman an namataan ng mga netizens. Agaw atensyon agad si Father dahil sa kanyang kapogian.

Nakilala ang nasabing pari na si Fr. Ferdinand “Ferdi” Santos.

Ayon sa post ni Ranhilio Aquino, personal na kakilala ng pari, nakasabay niyang mag-aral si Fr. Santos sa Catholic University of Louvain sa Belgium.

Bukod din daw sa pagiging alagad ng Diyos ay isa ring fitness instructor si Father.

Kaya naman pala halatang halata ang na namaintain niya ang tikas ng kanyang pangangatawan.

Aniya, ang bagay na talagang nakapagpahanga sa kanya ay ang pagbitiw sa pwesto ni Fr. Santos bilang Rector ng St. John Vianney Seminary sa Florida para umuwi sa Pilipinas at makihalobilo sa mga sulok-sulokang parokya.

Hindi naman nakalampas si Fr. Santos sa mata ng mga netizen. May mga nagsabi pa nga na talagang kahit sino ay mapipilitang mag-confess ng kasalanan lalo pa’t kung ganito lang din kagwapong pari ang makakaharap mo.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Araw araw po akong luluhod father patawarin po ako”

“Naku father marami ng magkakasala every mass”

“Ang pogi ni father sigurado kung saan sya maasign mg mimisa.dadami ang mg sisimba para mkita c father ferdie”

“Sayang c Father nko,Forgive me father, sayang ang lahi”

Maraming kababaihan nga ngayon ang kinikilig sa kagwapuhan ni Father Ferdi.

Usap-usapan ngayon ng netizens, Kim Chiu tatanggalin na nga ba sa It’s Showtime?

Jessy Mendiola ipinasilip sa madla ang napakalawak na farm na pagmamay-ari ni Vilma Santos sa Lipa Batangas