in

Girlfriend ni TJ naglabas ng sama ng loob sa Pinoy Big Brother laban sa isyu na kinasasangkutan ng nobyo

Pinoy Big Brother muling umiingay sa social media dahil sa isyu na kinasasangkutan ng housemate ngayon.

Matindi ang mga naging kritisismo ng mga manonood sa episodes ng reality show nitong mga nagdaang araw.

Napansin kasi ng netizens na masyado daw “touchy” ang male housemate na si TJ Valderrama sa 19-year-old housemate na si Shanaia Gomez.

Sa mga lumabas na video mula sa Kumu livestream, maraming nakapansin na mahilig daw umakbay, yumakap at mag friendly kiss si TJ kay Shanaia.

Dahil dito, umani ito ng sandamakmak na negatibong komento. Para sa iba daw ay hindi na tama tignan ang mga kinikilos ni TJ sa girl housemate.

Sa Twitter world, may ilang linggo na din trending ang hashtag na #forceev!ctTJ.

Dahil dito, hindi na napigilan ng girlfriend ni TJ na mag salita tungkol sa isyu.

Nanggagalaiti na tweet nito, “So PBB, porke gumawa kayo ng episode to explain yung closeness ni Shanaia at TJ, magiging ok na lang ang lahat?? Mga siraulo.”

Hindi na daw mababago ang naging epekto nito at hindi daw siya willing makipag coordinate sa show. Ang gusto ni Cherry Malaya ay mapalabas na ang kanyang nobyo.

“Punong puno na ako sa kakulangan nyo!!! Palabasin nyo na yan! Money making Bullsh!t show!” hiwalay ba tweet nito.

Sa ngayon, wala pang direktang pahayag ang management tungkol sa isyu.

Albie Casiño nag-sorry na sa mga binitawan niyang salita laban sa dating nobyang si Andi Eigenmann

Lian Paz pursigidong asikasuhin ang annulment case nila ng dating mister na si Paolo Contis