in

Gina Pareño nanawagan na sana ay muli siyang mabigyan ng trabaho bilang aktres

Napahagulgol at nagmakaawa ang beteranang aktres na si Gina Pareño na sana ay muli siyang mabigayan ng trabaho.

Nakapanayam ni Ogie Diaz sa kanyang vlog sa YouTube ang batikang aktres. At dito ay ibinahagi ni Gina na wala siyang depr3ssi0n pero naiiyak siya kapag naaalala niya ang kanyang “malulungkot” days.

Sa kasalukuyan ay walang project ang aktres kaya nasa bahay lang siya at hindi rin siya pinakikilos ng mga anak niya.

Wala nang tigil sa pag-iyak ang beteranang aktres simula nang pag-usapan nila ang tungkol sa kanyang karera sa showbiz. Ayon sa aktres, simula pa ng pand3mya ay nawalan na siya ng film at TV projects.

Gustong gusto pa raw ni Gina na umarte sa harap ng camera. Kaya humihiling siya na sana raw ay maisama siya sa mga proyekto.

Kaya naman natanong siya ni Ogie kung ano ang gagawin nito kung wala nang dadating na offer na trabaho sa kanya.

“Sanay na sanay ang katawan mo sa ilaw, sa camera, paano kapag hindi na ‘yan dumating?” saad ni Ogie.

“Huwag muna. Bakit naman? Uy! Alukin naman ninyo ako. Kunin naman n’yo ko, sige na. Kasi pag sa kuwarto ako aarte, alam mo sa kuwarto… aarte-arte ako, baka mauwi ako sa mental nito,” emosyonal na saad ni Gina.

Samantala, napag-alaman na kabilang sa cast ng GMA teleserye na Lolong ang premyadong aktres.

Andrea Brillantes nanindigan na hindi niya pinagsabay sina Seth Fedelin at Ricci Rivero

Nanay ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez may cryptic post sa gitna ng isyung buntis diumano ang anak