in

Gigi de Lana bagong ka-love team ni Gerald Anderson para sa isang international project

Magkakaroon ng bagong leading lady ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa katauhan ni Gigi de Lana.

Noong Martes, October 12, ibinahagi ng Star Creatives na isang international series na may pamagat na  Hello, Heart ang pagtatambalan ng dalawa.

Romantic comedy series umano ang mgaiging genre ng nasabing serye. Iikot ang istorya tungkol sa isang dalaga na dumaan sa iba’t-ibang kamalasan hanggang sa nakilala niya ang kanyang lucky charm.

Iha-hire ng karakter ni Gerald si Gigi na magkunwari bilang kanyang asawa at ipapakilala niya ito sa kanyang lola.

Samantala, agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang bagong tambalan nina Gerald at Gigi.

Hindi kaila sa publiko na nabansagan ng ‘chickboy’ si Gerald dahil sa mga naging karelasyon niya sa industriya ng showbiz.

Si Gigi de Lana naman ay ang sikat na internet sensation ngayon dahil sa husay niya sa pag-awit. Una siyang nakilala sa “Tawag ng Tanghalan” kung saan naging kalahok siya at Gidget Dela Llana pa ang pangalan niya noon.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa tambalang Gerald at Gigi:

“Congratulations Gigi De Lana for your upcoming shampoo endorsement!”

“Wala pang shampoo commercial si Gigi. Safe pa si Julia.”

“Nakoooooooo GeGi (Gerald-Gigi) bagong love team hahaha yari ka jan”

“Julia neng kabahan ka na”

“Mag- ingat, Gigi. Nakakasira ng vocal chords yan.”

Halos karamihan sa mga netizens ay pinag-iingat si Gigi kay Gerald. Mukhang hindi na natanggal ang ‘babaer0’ image ng aktor sa publiko.

Pinapaalalahanan din ng mga ito ang nobya ng aktor na si Julia Barretto dahil sa posibleng kahihinatnan umano ng tambalang Gerald at Gigi.

Ikaw anong say mo dito?

Video clip nina Jeric Raval at anak niyang si Vanessa Raval kinagigiliwan ngayon sa social media

Arjo Atayde ‘the one’ na daw si Maine Mendoza, ibinahaging napag-uusapan na nila ang kasal