in

Gerald Anderson sinorpresa ang nobyang si Julia Barretto ng sweet dinner date set up by the beach sa Boracay

Isang sweet dinner date set up ang sorpresang handog ni Gerald Anderson para sa kanyang girlfriend na si Julia Barretto.

Ine-enjoy ngayon ng celebrity couple ang kanilang bakasyon sa Boracay.

Matapos mawalay sa isa’t-isa ng ilang linggo dahil nagbakasyon sa ibang bansa si Gerald. Reunited na ang magkasintahan.

Beach getaway sa Boracay ang naging bonding moments ng celebrity couple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

At habang masaya ang magkasintahan sa kanilang bonding moments ngayon. Isang sorpresa ang hinanda ni Gerald para mas lalo pang pasayahin ang nobya.

Isang sweet dinner date set up by the beach ang ngayon’y kinakikiligan ng kanilang mga fans.

Tila nasa teleserye ang magkasintahan dahil punong puno ng maningning na ilaw ang kanilang kapaligiran.

Napapalibutan din ng litrato nilang dalawa ang background ng kanilang dinner table.

Ayon sa fanpage ng magkasintahan, mismong si Gerald ang nag set up nito bilang sorpresa sa kanyang girlfriend.

Tuwing tinatanong daw kasi si Gerald kung ano ang perfect o ideal date para sa kanya ay laging date by the beach ang sagot nito.

Syempre hindi kumpleto ang romantic ideal date na ito kung walang bulaklak. Kaya naman bouquet of roses ang handog ng aktor para sa dalaga.

Agad namang umani ng samu’t-saring komento ang surprise na ito ni Gerald. May mga kinikilig pero mayroon pa ding mga negative thinker.

Per hindi ito alintana ng magkasintahan dahil they are enjoying their moment.

Tattoo Artist na nali-link umano kay Kylie Padilla pinangalanan ng mga netizens

International artist na si Kylie Brakeman nadamay sa isyu nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica