in

Gerald Anderson Sa Pagpapakasal Nila Ni Julia Barretto: “She’s still very young”

Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung handa bang pakasalan ang nobyang si Julia Barretto.

Handa na nga bang magpakasal si Gerald at mag settle down sa nobya niya ngayon na si Julia Barretto?

Marami ang naka antabay sa relasyon ng dalawa dahil na rin sa kabikabilang kontrobersiya laban sa dalawa.

Una nang umingay ang pangalan ng couple noong 2019 nang itinuturo ni Julia bilang third party ng hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Hanggang sa umamin na ang dalawa sa tunay na relasyon at ngayon ay tila masaya na sa piling ng isa’t-isa.

Very open naman parehas sina Gerald at Julia na nagbabahagi ng photos together maging sa kanilang mga YouTube channels.

Pero ang tanong ng madami, si Julia na nga ba ang “last one” ng aktor?

Sa naging interview ni Gerald kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, isa ito sa mga deretsahang tanong ng host.

Tinanong ni Tito Boy ang aktor kung handa na bang pakasalan si Julia.

“If you have your way, would you ask Julia to marry you? No, really, Ge,” derechong tanong ni Boy.

Agad naman nag reak si Gerald at sinabing, “Ang bigat naman nun, Tito Boy.”

Pagpapatuloy niya, “Gusto ko sagutin yan talaga pero alam niyo po kung anong isasagot ko diyan, pero siguro, she’s still very young.

“Ang dami pa niyang ma-i-offer sa industriya natin. Ang dami pa niyang ibang ipapakita sa inyo sa audience natin, yung talent niya.”

Si Gerald ay 32 years old habang si Julia naman ay 24. Ilang beses nang sinabi ng aktres na handa na siya magkaroon ng sariling pamilya.

Vlogger Na Si Zeinab Harake, Inulan Ng Komento Matapos Bumili Ng Mamahaling Sasakyan!

Newlywed couple na sina Angel Locsin at Neil Arce may pa-house tour sa kanilang bagong bahay