in

Gerald Anderson personal na iniabot sa PCG ang kanyang donasyon para sa mga naapektuhan ni Odette

JULIA MUST BE A PROUD GF!

Ito ang nasabi ng mga netizens sa kabutihang ipinamalas ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Nagbigay ng tulong ang aktor para sa mga pamilya na naapektuhan ng ha6upit ng ba6y0ng Odette.

Base sa naka-post sa Facebook page ng Philippine Coast Guard, personal na inihatid ng aktor noong December 19 ang kanyang donasyon ng sako-sakong bigas, at kahon kahong bottled water na ide-deliver ng Philippine Coast Guard sa mga lugar ng Western Visayas at Northeastern Mindanao.

“Maraming SALAMAT, AUXILIARY COMMANDER GERALD ANDERSON! Kahapon, ika-19 ng Disyembre 2021. Personal na hinatid ni Auxiliary Commander Gerald Anderson ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA). Ang unang bahagi ng kanyang donasyon para sa apektadong pamilya ng Ba6y0ng #OdettePH,” saad ng PCG sa kanilang caption.

“Agad na isinakay ang saku-sakong bigas at kahung-kahong purified drinking water sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301) na biyaheng Western Visayas at Northeastern Mindanao.”

Ngayong araw naman inaasahan ang pagdating sa mga apektadong lugar ang donasyon. Na ibinigay ni Gerald para sa ating mga kababayan.

Samantala, nanawagan rin ng karagdagang tulong sina Gerald at ang nobya nitong si Julia Barretto.
Na ibinahagi din sa Facebook post ng PCG.

 

Samantala, umani naman ng papuri ang kabutihang ipinamalas ni Gerald.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Mabait talaga yang si gerald ma issue lang sa girls. Meron din syang training facility for rescue dogs gastos nya lahat”

“sabi nga Bea sa previous interview nya after taping kahit wala tulog talagang pumupunta sya sa mga charity nya pra tumulong, ayan yung mga good traits na hnd nila nakikita kay Gerald kc womanizer na lamg tingin sa kanya mga tao”

“Saving grace talaga ni Gerald ang pagiging matulungin sa kapwa at mapagmahal sa family.”

Cristy Fermin naniniwala na totoo ang relasyon nina Allan K at Ahron Villena

Kris Aquino ibinunyag na 2Million pesos ang ibinigay ni Angel Locsin para sa mga naapektuhan ni Odette