in

Gawain ni Andrea Brillantes sa likod ng showbiz, hinangaan ng maraming netizens

Hindi lang sa pag-arte magaling kundi pati na din sa mga gawaing bahay.

Iyan ay walang iba kundi si Andrea Brillantes.

Sanay ang mga manonood na makita si Andrea sa harap ng kani-kanilang tv screen.

Tumatak sa isipan ng marami ang pagiging maldita niya bilang si Marga Mondragon sa Kadenang Ginto.

Kaya naman hindi na maalis na ang tingin ng karamihan kay Andrea ay isang spoiled brat na bata.

Ngunit napakalayo pala nito sa kung sino si Andrea sa totoong bu’hay, lalo na sa kanilang bahay.

Noong kasagsagan ng lockdown sa bansa ay nanatili lang si Andrea sa kanilang bahay.

At ginawa niyang productive ang pag-stay at home niya habang wala pa siyang proyekto noon sa showbiz.

Isang video ang nag viral kamakailan kung saan makikitang ginagawa ni Andrea ang mga gawaing bahay.

Taliwas sa maarte at malditang si Margareth Mondragon ang makikita sa video.

Dahil napakasipag ng batang aktres habang naghuhugas siya ng mga pinggan at naglilinis ng kanilang buong kabahayan.

Sa video din na ibinahagi ng nakatatandang kapatid ni Andrea ay ipinakita na magkatabi silang matulog.

Ayon sa ate niya ay magpasahanggang ngayon ay gusto pa rin ng aktres na matulog katabi siya.

Gayung mayroon naman itong sariling kwarto at mas malaki kumpara sa kanya.

Makikita rin ang pag-eehersisyo ni Andrea habang nakikinig ng music.

Ine-enjoy din ng batang aktres ang panunuod ng mga anime sa kanyang gadgets.

Tila isang simpleng dalagita lang na walang muwang sa mundo si Andrea pag nasa kanilang bahay lamang.

Hindi aakalain na sa likod ng galing niya sa pag-arte ay isang simpleng Andrea lamang ang makikita tuwing wala itong trabaho.

Kaya naman maraming netizens ang humanga sa aktres. Ag ilan pa nga ay kinagiliwan ang kasipagan ni Andrea.

Chubby little girl no more! Elha Nympha dalaga na, glow up photos niya ikinagulat ng marami

Batang aktres na si Francine Diaz ipagpapatuloy ang kanyang pag aaral sa isang International school