in

Former Star Magic head Johnny Manahan, malapit ng pormal na ipakilala bilang Kapuso

 

Nalalapit na ding ipakilala bilang parte ng GMA ang dating Star Magic head na si Johnny Manahan.

Kamakailan lang ay naging maugong ang balita na lilipat na nga ng GMA si Mr.M.

 

 

Si Johnny Manahan, o mas kilalang Mr. M, ay isang direktor at star builder. Siya rin ang founder ng Talent Center ng ABS-CBN, katuwang si Freddie M. Garcia.

 

 

Hindi naman kaila sa lahat na kapag hinawakan ka ng Star Magic ay nababago ang imahe at tumataas ang premium mo pagdating sa mga offer.

 

 

Kaya nga marami ang nagsasabi na  iba talaga ang dating ng mga artista ng ABS-CBN kung ikukumpara sa mga artist ng GMA.

 

 

Naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa umano’y paglipat ni Mr. M sa GMA-7 dahil sa mga balita sa ilang news websites nitong mga nagdaang buwan.

Ayon sa report ng PEP.ph, sa darating na linggo ay bibigyan ng mainit na pagtanggap ng Kapuso Network si Mr. M.

 

 

Noong nakaraang buwan, June 9, kumalat ang balitang lilipat si Mr. M sa GMA Network Inc. bilang consultant, pero walang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kanyang kampo.

Sa paglipat ni Bea sa GMA-7 noong July 1, muling nabuhay ang balitang susundan na siya ng dating boss niya sa Star Magic.

 

 

Pinatotohanan ito ng mga taong malalapit sa kanila, at naghihintay na lamang sa official announcement ng management na Kapuso na rin ang dating Kapamilya executive.

 

 

Hindi pa malinaw kung ano ang posisyong hahawakan ni Mr. M sa GMA, ngunit posibleng may kinalaman ito sa GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network

Eric Fructuoso isa na ring negosyante, rumaraket din bilang delivery rider ng kanyang business

Zeinab Harake at Skusta Clee mas naging masaya ang pagsasama sa pagdating ni Baby Bia