in

Former PBB Housemate na si Lie Reposposa, ginulat ang marami sa kanyang glow-up transformation

Dating housemate sa Bahay ni Kuya na si Lie Reposposa ibang iba na ang itsura!

Maraming pagbabago ang nangyari noong 2020 na karamihan sa ati’y ayaw nang balikan. Ngunit mayroon din mga pangyayari na nakapagbigay sa atin ng saya.

Katulad na lamang ng mga nakakabilib na transformation ng mga kilalang personalidad sa showbiz. May mga ilan na talagang napa-wow ang mga netizens at naging inspirasyon ng ilang Filipino.

At isa na nga dito ay ang Former PBB Housemate na si Lie Reposposa.

Isa sya sa pinaka-down to earth at masayahing housemate sa bahay ni Kuya.

Pagkatapos ng ilang taon ay nag-mature na si Lie at marami ang nagulat sa kanyang glow-up photos na kanyang pinost sa Instagram.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lie (@liereposposaofc)

Kung noon ay hindi siya naglalagay ng make-up, ngayon naman ay bagay na bagay sa kanya ang may lipstick!

Mas lalo ding naging makinis at maputi ang mga balat ni Lie.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lie (@liereposposaofc)

 

Ngunit sa nakakabiglang pagbabago ng kanyang itsura, marami tuloy ang nagsabi na baka nagparetoke daw ang dalaga.

Ngunit agad naman itong pinabulaanan ni Lie sa video niya sa kanyang YouTube channel na pinamagatang “MY GLOW UP SECRET REVEAL.”

“Unang-una po sa lahat, hindi po ako nagpa-retoke. Totoo po ‘yan. Wala po akong pera pang-retoke at siyempre underage po, bawal po magpa-retoke,” paliwanag ni Lie.

Dagdag pa niya, “Tapos ‘yong sinasabi nilang nagpa-gluta ako, hindi po totoo ‘yon. Hindi po ako nagpa-gluta pero feeling ko dahil sa lockdown, siyempre ‘di tayo nakalabas-labas, ‘di tayo naaarawan.”

Ayon pa kay Lie, pinanatili niya ang maayos na tulog, paginom ng maraming tubig at pageerhisyo na siyang naging sikreto sa kanyang napakagandang transformation.

Magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto sweet na sweet pa din habang nagpapabakuna

Ivana Alawi nais makita at makilala ng personal ng prinsipe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah