in

EXTREME GIRLFRIEND CHALLENGE ni Donnalyn at AJ Raval, Kinakikiligan ng mga Netizens Ngayon!

Kakaiba ang naging content vlog ng YouTuber na si Donnalyn Bartolome ngayon.

Madalas mapapanood ng kanyang mga subscribers ang vlog ni Donna kung saan babaeng babae gumalaw ang vlogger.

Pero ngayon, kakaibang #DareDonna ang ginawa niya kasama ang aktres na si AJ Raval.

Sa pinakabagong YouTube vlog na nakaupload sa channel niya, wala pang isang oras ang nakakalipas pero mayroon na itong mahigit 100,000 views.

Dito kasi, naging mag jowa sila ng rising actress ngayon na si AJ. Hindi maitatanggi na pinagpapantasyahan din ng madaming kalalakihan ngayon ang anak ni Jeric Raval.

Sa nasabing vlog, sinundo ni Donna si AJ at tsaka pumunta sa bahay ng vlogger.

Sinurpresa naman niya si AJ na kakacelebrate lang ng kanyang kaarawan.

Laking gulat ni Donna nang sabihin ni AJ na first time niya ma surprise. Nag “date” naman at home ang dalawa at kumain ng cake at pizza.

Nag exercise din ang dalawa kung saan sobrang sweet sila katulad ng mga couples na nag eexercise magkasama.

Marami naman ang kinilig sa tambalan ng dalawa at dinagsa ng maraming puso ang comment section.

Marami din ang nagsasabi na may chemistry ang dalawang magandang dalaga.

Sa ngayon, mayroon pumapalo na sa 105,000 views ang naturang vlog ni Donna kasama si AJ sa loob lamang ng isang oras.

AJ-Donna for a couple? Ano sa tingin mo?

 

Kristine Hermosa Binalikan ang Araw na Nag Propose si Oyo Boy Sotto Para sa Kanyang Kaarawan

Sa gitna ng moving on stage, LJ Reyes namataan na nag-eenjoy sa New York Fashion Week