in

Exclusive interview nina Coco Martin at Julia Montes kay MJ Felipe kinakikiligan ngayon ng CocoJuls fans

Marami ang kinilig sa ginawang pasilip ni MJ Felipe sa interview niya kina Julia Montes at Coco Martin.

Talaga nga namang marami na ang excited sa pagpasok ni Julia Montes sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Kinumpirma na ng Dreamscape Entertainment ang producer ng ‘Ang Probinsyano’ na magiging parte na nga ng serye si Julia.

“IT’S OFFICIAL! #CocoJulisBack balik-tambalan sina Coco Martin at Julia Montes sa TV! Mapapanood si Julia bilang bagong leading lady ni Coco Martin sa ika 6 na taon ng #FPJsAngProbinsyano,” saad sa kanilang post.

Sa kasunod nilang post ay ibinahagi din ng Dreamscape ang mga bagong karakter na papasok din sa longest running series ng ABS.

Kabilang dito ay sina Rosanna Roces , Michael Flores, Vangie Labalan, Marela Torre, Chai Fonacier, Elora Espano at Joseph Marco.

Kaabang-abang tuloy kung ano ang gagampanan ng mga bagong cast at syempre lalong lalo na si Julia.

Sa post naman ng Cornerstone Entertainment, ay ibinahagi din nila ang ilang litrato ni Julia.

Na nakaporma na at tila handang handa ng sumabak at pumasok sa buhay ni Cardo Dalisay.

Samantala, sa Twitter naman ay kinakikiligan ngayon ang video na ipinost ng ABS-CBN showbiz anchor na si MJ Felipe.

Ito ay ang pasilip sa exclusive interview niya kina Coco at Julia na kitang kitang masaya sa muling tambalan nila.

Sa kanyang latest vlog, Ivana Alawi sinagot ang mga pangbabatikos na ipinukol sa kanya ng mga bashers

AJ Raval ipinamalas ang galing niya sa pagluluto ng Kapampangan dish