in

Exchange networks nina Bea Alonzo at Lovi Poe pinaghambing ng mga netizens

Hindi na talaga natapos ang network rivalry sa pagitan ng Kapuso at Kapamilya. Pati sina Bea Alonzo at Lovi Poe nadamay na rin.

Matapos mag-post ng Dreamscape Entertainment noong Thursday, September 9, sa kanilang social media accounts. Tungkol sa “A precious jewel finds a new home 09.16.2021” na may hashtag na #JustLove. Ay marami ang nag-isip na tila kumpirmado na nga ang paglipat ni Lovi Poe sa Kapamilya Network.

Bigay na bigay daw kasi lalo na sa clue sa pa-hashtag na ‘yon ng production unit ng ABS-CBN na pinamamahalaan ni Deo Endrinal.

Marami naman ang nakapansin na hindi kasing-ingay ng paglipat ni Bea Alonzo sa GMA Network ang ingay ngayon sa social media sa napipinto umanong career move ng premyadong Kapuso actress na si Lovi.

At hanggang sa lumipat na nga ng ABS si Lovi. Ultimo mga tarpaulins at ang pa-red carpet ng Kapamilya kay Lovi ay inihambing sa paglipat ni Bea.

Pati ang mga suot ng dalawang aktres at mga bulaklak na kanilang hawak ay pinagkumpara ng maraming netizens.

Kung kay Bea daw ay lukot na tarpaulin ang pa-welcome ng GMA, kay Lovi ay isang big screen ang inihanda.

Pati mga lightnings sa bawat set sa presscon ng dalawang aktres ay hindi din pinalagpas ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Naka LED pa yung isa tarpulin lang haha”

“sa background at lamesa pa lang kitang kita mo na ang difference ng 2 network.”

“Bonggang tlaga ang ABS CBN…Wide LED screen Red carpet pa,..sa GMA kolutkotut na tarpouline”

“Ung wala pang dec pero ang gma saka abs nag exchange gift na”

“Dami niyong issue sa tarpaulin vs led screen te! Sa sobrang Ganda ni Bea di na napansin kung bongga o Hindi Ang background, Bakit sobrang napansin niyo yata Ang background ni Lovi?”

Vice Ganda pinasaringan si Ate Gay tungkol sa 20K na tulong na ibinigay niya dito

Mygz Molino nakapunta na sa puntod ni Mahal kasama ang kanyang pamilya!