in

Ex-partner ni Ara Mina na si Patrick Meneses imbitado sa kasal ng aktres kay Dave Almarinez

Ex ni Ara Mina na si Patrick Meneses idinetalye ang pagimbita sa kanya ng aktres sa kasal nito.

Ikinasal na si Ara Mina sa kaniyang boyfriend na si Dave Almarinez.

Nitong June 30, 2021 sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.

Ito ay dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa. Si Almarinez ay ang undersecretary ng Philippine International Trading Corporation o PITC.

Bumaha ng luha sa simula pa lamang ng kasal nang naglakad papuntang altar ang anak ni Ara na si Amanda Gabrielle Meneses, na nasilbing little bride, at niyakap ang kanyang stepfather na si Dave.

Si Mandy ay ang bunga ng relasyon nila ng former boyfriend at Bulacan, Bulacan Mayor na si Patrick Meneses.

At isa din si Meneses sa naging panauhin sa kasal ni Ara at Dave kahapon.

Sa panayam kay Meneses ng PEP.ph, ipinahayag nito kung paano siya inimbita ni Ara sa kasal nito.

Ayon kay Meneses, personal daw nagpunta sina Dave at Ara upang imbitahin siya.

Nanatili daw kasi silang mabuting magkaibigan kahit pa may nakaraan sila ng aktres.

Saad ni Meneses, “Actually, they went to my house. We’re really good friends, e. Even Dave and I. Dave made an effort for us to meet.

Nagbigay din ng mensahe si Meneses para sa bagong kasal.

“Siyempre, it’s not every day that anyone finds their soulmate.

“She’s very lucky and Dave’s lucky as well. They found each other. Soulmates sila.

“I feel so blessed to be part and to witness this ceremony. This is the biggest event in their life.”

Matatandaan na tatlong buwan pa lamang noon ang anak nina Ara at Patrick ng sila ay maghiwalay.

Ngunit nanatili silang mabuting magkaibigan at co-parents kay Mandy.

Napakalawak na pagmamay-ari nilang shrimp farm sa Sarangani ipinasilip ni Jinkee Pacquiao

Jimmy Santos namundok sa Porac Pampanga at nakipagsayawan sa mga katutubong Aeta