in

Erich Gonzales pinabackground check diumano ng mayamang pamilya ng kanyang fiancé ayon kay Cristy Fermin

Nanigurado diumano ang mayamang pamilya ng fiancé ni Erich Gonzales na si Mateo Lorenzo at pinabackground check ang aktres.

Ilang araw na ngang usap-usapan ang nalalapit na pagpapakasal ng Kapamilya actress na si Erich. Lumabas sa publiko ang balitang iyon dahil sa kanilang wedding banns.

Napag-alaman naman na ang mapapangasawa ni Erich ay miyembro ng pamilya na isa sa pinakamayaman sa bansa.

At dahil galing nga sa bueno familia, nagkaroon daw ng background check bago maganap ang kasalan.

Ayon kay Cristy Fermin, ang pamilya Lorenzo mismo ang nag-insist na dapat ay alam nila ang history ng aktres.

Ani Cristy, “May kwento si Manay Lolit Solis tungkol dito. Noon pa lang po ng mga unang panahon ng kanilang pagkakaroon ng relasyon, ay pina, hindi naman pinaimbestigahan, pina-background check pala ng pamilya Lorenzo itong si Erich Gonzales.”

“Hindi naman malayo yun, kung tayo nga walang pera, inaalam natin ang pamilyang pinagmulan ng mahal ng anak natin, walang masama dun,” dagdag pa nito.

Kalaunan ay naging boto naman umano ang pamilya ni Mateo sa aktres.

“Nung kinalaunan okay na,” ani Cristy.

Pinuri ni Cristy ang pagsasapribado ni Erich ng relasyon nito na kadalasan aniya’y problema sa ilang artista.

Hindi daw nito ipinagmayabang na yayamanin pala ang kanyang mapapangasawa. Dahil umano sa pagiging pribado ng aktres sa katauhan ng boyfriend nito kaya’t mauuwi sa altar ang kanilang relasyon.

Vic Sotto binahagi ang rason kung bakit ayaw pa sundan ang anak na si baby Tali

Sa gitna ng pakikipaglaban sa kanyang karamdaman, Kris Aquino nanatiling positibo, nagbigay update sa kanyang kalagayan