in

Eric Fructuoso may payo para sa kanyang anak na bagong kasal na si Tres Fructuoso

Payong ama: Eric Fructuoso, may nakakatawang mensahe at payo sa kanyang bagong kasal na anak na si Tres Fructuoso.

Proud ang ama at aktor na si Eric para sa kanyang lalaking anak na may bagong yugto na sa kanyang buhay bilang bagong kasal.

Ikinasal na kasi ang kanyang anak na si Tres sa asawa nitong si Anne Carlene.

Sa Instagram ng aktor, nagbahagi ito ng larawan kuha noong mismong wedding day ng kanyang anak.

Pabirong mensahe at payo niya sa kanyang anak, “Basta laging tatandaan anak, hanggat hindi ka pa mayaman, si misis ang laging tama.”

Kasalukuyang buntis ang ngayon ay asawa na ni Tres. Sa hiwalay na post ni Eric, nagbahagi ito ng kanilang family picture kung saan proud niyang sinabi na isa sa mga dahilan niya sa buhay ay ang kanyang soon to be apo na si Baby Leo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Si Eric ay isa sa mga teen crushies ng batang 90s noon. Hindi maitatanggi na isa ang mukha at pangalan niya na tinitilian ng mga kababaihan ng kanyang henerasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Girlfriend ni Miss Universe PH 2021 Beatrice Luigi Gomez buong puso ang binigay na suporta sa kanya

Isa sa mga programa ni Raffy Tulfo, namaalam na sa pag ere!