in

Eric Fructuoso labis ang pasasalamat sa tulong na ibinigay noon sa kanya ni Mark Herras

Malaki ang naging utang na loob ni Eric Fructuoso sa Kapuso actor na si Mark Herras.

Sa panayam ng miyembro ng Gwapings kay Ogie Diaz ay ibinahagi niya ang kabutihang loob ni Mark Herras.

Isa umano si Mark at ang pamilya nito ang tumulong sa kanya noong nawalan siya ng trabaho ng magkapandemya.

Pagbabahagi ni Eric, nagkataong naging kapitbahay niya sina Mark nang lumipat na siya ng apartment noong nakaraang taon.

Inamin niyang nakikikain siya kina Mark Herras kaya abut-abot ang pasasalamat niya sa buong pamilya ng aktor.

“Sobrang thankful ako sa kanya saka sa wife niya sa tita nila, sa tapat ako nakatira pero sila ‘Eric, kain ka dito’. Doon ako kumakain”

“Alam mo ‘yung tatawagan ka, ‘uy hinahanap ka na ni Tita, kumain ka na dito, baka lumamig ‘yung pagkain. Kasi that was the start of pandemic.”

Aminado si Eric na isa siya sa mga tinamaan ng pagsubok ng pandemya na bilang artista, nawalan umano ng mga raket.

Ngunit sa tulong mga kaibigan, unti-unti na siyang nakabangon at nakapagtayo rin ng ilang negosyo sa kabila pa rin ng patuloy na dinaranas natin na pandemic.

Sakapital na P5,000 ay nakapagpatayo na ng ilang negosyo ang aktor. Sinimulan niya ito sa pagbebenta ng cap merchandise na may nakalagay na “Gwapings Moto”

Na marami raw bumili na mga natulungan niya noon.

At dahil nakaipon na sa mga negosyong itinayo ay naikuwento ni Eric. Na siya na ang nagbabayad ng tuition fee ng apat niyang anak sa kanyang ex-wife.

Ngunit aniya takot na umano siyang makipagbalikan sa kanyang dating asawa. Pero siniguro naman niya na ayaw na niya ng bagong karelasyon dahil gagastusan na naman niya ito

Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie kay Eric:

Mga netizens nakakalap ng mas maraming ebidensya na sina Paolo Contis at Yen Santos nga ang nasa viral video

Kaibigan ni Eric Fructuoso binigyan siya ng pera sa pag-aakalang bumabyahe na lang siya ng tricycle