in

Eric Fructuoso isa na ring negosyante, rumaraket din bilang delivery rider ng kanyang business

Aktor na si Eric Fructuoso abala sa negosyo sa gitna ng pandemya.

Si Eric Fructuoso ay nakilala sa showbiz noong dekada nobenta.

Nang siya ay mapabilang sa “Gwapings” ang isa sa mga sumikat at naging popular na male teen group noon.

Kasama ni Eric sa “Gwapings”, ang halos mga ka-edaran lang din niyang aktor noon na sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Jao Mapa.

Samantala, maliban nga sa pagiging isang aktor ay pinili na rin nitong pasukin ang pagnenegosyo.

Noong Enero ay nagbukas si Eric ng food business at isinunod niya ang pangalan nito sa kanyang grupo noon.

Tinawag niya itong “Gwapigs” na porkchop ang pangunahing menu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Ilan din sa mga sine-serve sa kanyang restaurant ay mga silog meals.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Bilang isang negosyante ay rumaraket din si Eric nilang rider sa kanyang food business, dahil aniya sayang daw ang kita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Bago naman ang naging pagbabahagi na ito ng aktor ng kanyang food business, ay nauna na nitong ibahagi noong nakaraang buwan sa kanyang Instagram ang pagbubukas ng kanyang motorcycle shop na tinawag niya namang “Gwapings Moto”, na matatagpuan sa Naic, Cavite.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Hindi nga lamang ang pagiging isang mahusay na aktor, at pagiging isang negosyante ni Eric ang hahangaan sa kanya, dahil kahanga-hanga rin ang pagiging isang mabuti, responsable at mapagmahal na ama ni Eric sa kanyang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eric.fructuoso

Hindi lang “Gwapings” ang maipagmamalaki ngayon ni Eric Fructouso.

Anong masasabi mo dito?

Throwback photo ni Kathryn Bernardo viral ngayon sa social media, napagkamalang si Marian Rivera

Former Star Magic head Johnny Manahan, malapit ng pormal na ipakilala bilang Kapuso