in

Engrandeng wedding reception ng kasalang Ellen Adarna at Derek Ramsay kinagiliwan sa social media

Usap-usapan pa din ngayon online ang naganap na kasalan ng celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Makalipas ang halos siyam na buwan na relasyon bilang magkasintahan nina Derek at Ellen. Sa kasalan na nga nauwi ang lahat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pat Dy (@patdy11)

Kahapon November 11 ay ginanap na ang pinakahihintay na araw ng controversial couple. Idinaos ang kanilang kasal sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort sa lalawigan ng Bataan.

Ilang larawan nga kuha sa kanilang kasal ang nagpamangha sa maraming netizens. Agaw pansin ang engrandeng wedding reception ng newly wed couple.

Sa altar pa lang kung saan nagpalitan ng kanilang I do’s at wedding vows  ay makikitang napaka unique na talaga ng set up.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Randy Lazaro (@randylazaro_)

Sa Instagram stories naman ng event coordinator na ‘labellefete’ ay makikita kung gaano kabongga ang reception.

Punong puno ito ng mga nag-gagandahang bulaklak at napapaligiran din ng maraming fairy lights. Na tila nasa isang magical place ang sinumang naroon.

Kapansin pansin din ni Rattan made ang mga ginamit na upuan at pati na din ang disenyon ng cake holder. Na nakadagdag class sa disenyo ng lugar.

At tulad ng inaasahan ng lahat, talaga namang nagnining ang kagandahan at kaseksihan ng bride na si Ellen sa araw ng kanyang kasal.

At napakakisig din syempre ng groom na si Derek naging emosyonal pa sa naganap na kasalan.

TikTok video nina Julia Barretto at Xian Lim na magkasama usap-usapan ngayon sa social media

Janno Gibbs naglabas ng hinanakit sa ABS-CBN dahil sa kanyang cancelled guesting