in

“END OF AN ERA” Coco Martin inanunsyo na ang huling tatlong linggo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Matapos ang halos pitong taon na pag-ere sa telebisyon, magwawakas na ang longest running teleserye na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Sa pamamagitan ng Instagram post ni ABS-CBN Executive Deo Endrinal ngayong Biyernes ng gabi July 22. Isang video ni Coco Martin ang kanyang ibinahagi.

Kung saan inanunsyo nito na huling tatlong linggo na lang mapapanood ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Ani Coco, “Mga ka-‘Probinsyano’ dumating na po ang oras. Ang programang minahal ninyo ng pitong taon ay nalalapit na po ang pagtatapos. Malungkot man na tayo’y maghihiwalay pero walang hanggang pagpapasalamat ang aming nararamdaman. Nagbago man ang mundo, nandiyan pa rin kayo. Kahit naman po matapos ang teleseryeng ito, hinding-hindi po matatapos ang pagmamahal namin sa inyo.

“Kaya kapit lang sa huling tatlong linggo. Ito po ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ang pambansang pagtatapos”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Deo Endrinal (@deo_endrinal)

Ang naturang action drama TV series ay unang ipinalabas noong September 28, 2015. Taon-taon ay napapabalitang magtatapos na ito pero hindi naman natutuloy.

Kahit pa nga nawalan ng prangkisa ng ABS-CBN ay hindi nagpatinag ang “Ang Probinsyano” na tuloy-tuloy pa rin ang taping kahit sa YouTube at social media na lamang sila napapanood.

Samantala, napabalitang papalitan na ang timeslot ni Cardo Dalisay ng Mars Ravelo’s Darna.

Nanay ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez may cryptic post sa gitna ng isyung buntis diumano ang anak

Ella Cruz aminadong nasaktan sa mga pasaring sa kanya ni Pokwang