in

Ellen Adarna tinakot muli ang kanyang fiancé na si Derek Ramsay sa ipis

 

Napasigaw na lang sa takot ang aktor na si Derek Ramsay dahil sa kalokohan ng fiancé na si Ellen Adarna.

 

 

Muli na namang tinakot ni Ellen Adarna sa ipis ang fiancé niyang si Derek Ramsay.Talaga namang halos magwala ang aktor.

 

 

Sa video na ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram story, dinig na dinig na agad ang malakas na sigaw ni Derek na takot na takot.

“No, no, no, no! Stop it, babe! Babe!” ang sigaw ni Derek habang hawak ni Ellen ang ipis.

 

 

Makikitang nakabaluktot sa sofa si Derek at tinatakpan ang kanyang mukha dahil ayaw niyang makita ang ipis.

Ayaw pa ring tumigil ni Ellen at inilapit pa niya lalo kay Derek ang ipis.

 

 

“Babe, babe, suntukan ‘to! Suntukan ‘to!” sigaw ng aktor. Tawa naman nang tawa si Ellen na hawak pa rin ang ipis.

“Love, love, please…please…stop it,” sabi ulit ni Derek.

 

 

Siyempre, tumigil din naman si Ellen at tinakot naman ang ibang kasama sa bahay.

 

 

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na tinakot ni Ellen si Derek na may phobia pala sa ipis.

 

 

Kamakailan lang ay ginawa niya ito pero medyo malayo naman siya sa fiancé dahil nasa kabilang side ito ng pool.

 

 

Gayunpaman ay kitang-kita na nag-panic na si Derek kahit ang layo naman ng ipis sa kanya.

Inulan naman agad ng samu’t saring komento ang ginawang ito ni Ellen sa kanyang nobyo.

 

 

Narito ang ilan sa say ng netizens:

“They are trying so hard to be adored by the public.”

“I understand the feeling, and it shouldn’t be taken lightly. Pag takot ka talaga sa isang bagay di dapat ginagawang joke yun”

“sabi ko na nga ba kalalaking tao takot sa ipis kelangan talaga nang muntikan nang masuntok bad signs”

 

 

Narito ang kanilang video:

Anong masasabi mo?

Walong magkakapatid na iniwan na ng mga magulang, niregaluhan ng bahay at lupa ni Idol Raffy Tulfo

R&B Queen na si Kyla, malungkot na ibinahagi ang pagkawala ng kanyang baby sa pangtalong pagkakataon