in

Ellen Adarna sinupalpal ang isang netizen na nagsabing “feeling gwapa” umano siya

Walang alinlangang sinagot ng aktres na si Ellen Adarna ang isang netizen na tinawag siyang “feeling gwapa”

Kamakailan nga ay nagviral ang proud Gwapa statement ng aktres na si Ellen Adarna.

Sa kanyang Q&A session with her fans sa kanyang Instagram stories ay sinagot ni Ellen ang mga nakakawindang na tanong.

Lahat na yata ng pwedeng ibato kay Ellen ay nabasa na niya sa social media kaya ang iba rito ay pinapatulan ng aktres.

Nakaraan nga lamang ay di pinalampas ni Ellen ang isang netizen na tinawag siyang “feeling gwapa”

Sinupalpal niya ito at sinabing kung siya ay feeling gwapa ang nasbing netizen naman umano ay unggoy. Na lagi umanong nakasabit sa puno.

Saad pa nga ni Ellen “Hater ra kai ka dai daghan kai kag hate messages dai napansin na gyud taka. (Hater ka dai, andami mong hate messages. Napansin na kita.)”

Hindi ito ang unang pagkakataon na pumatol si Ellen sa kanyang mga bashers.

Kamakailan nga lamang ay sinagot din niya ang isang netizen na nagsabing may tililing umano siya.

Sinagot ni Ellen ang paratang na pinagdududahan ang kanyang mental state.

Tila pangungutya niya, “Meron talaga akong tililing. Ewan ko lang kung bakit tingin mo lang, tignan mo nalang mabuti. Di ko naman dinideny [smiley with tongue sticking out emoji].”

Noong January, tinawag din ng isang netizen si Ellen na “malandi” dahil lagi raw itong nakaabang sa mga ipo-post ni Derek Ramsay para mag-comment.

Nag-reply rin si Ellen sa isang recent comment na binobola lang daw siya ng aktor.

May halong kakulitan ang reply ni Ellen: “diba nag papabola nga tayo minsan sa pangit eh … dito nalang tayo sa gwapo di pa masyadong lugi looool [laughing with tears emojis]”

Mukhang ibinabalik ni Ellen kung anuman ang komento na nakukuha niya sa netizens.

Anak ni Toni Fowler na si Tyronia tutol sa pakikipagbalikan ni Rob Moya sa kanyang ina

Barbie Forteza umalma sa kumakalat na balita na hiwalay na diumano sila ni Jak Roberto