in

Ellen Adarna nag-react sa litrato niyang natutulog na ipinost ng kasintahan niyang si Derek Ramsay

Simula ng aminin nina Derek at Ellen sa publiko ang kanilang relasyon ay marami na ang sumubaybay sa kanila.

Lagi din nagbibigay ng update ang magkasintahan sa mga activities nila sa araw araw na magkasama sila.

Nakaraan nga lamang ay magkasama sa isang beach getaway ang engaged couple kasama ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sa mga ibinahaging larawan ni Derek, kitang-kita ang pagmamahalan nila habang naglambingan sa tabing-dagat.

Makatapos naman nito ay nagviral din kamakailan ang kanilang kissing photo.

Unang ibinahagi ng celebrity couple ang kanilang “flexibility” pagdating sa pagwo-workout sa pamamagitan ng tinatawag na “elaborate kissing-while-doing-yoga” pose.

Dito makikita ang pagyo-yoga ng dalawa sabay halikan gamit ang iba’t ibang posisyon.

At mukhang kinakarir na nga nina Ellen at Derek ang ganitong klase ng workout kung saan napagsasama nila ang romance at fitness goals.

Bagamat may mga humanga sa acrobatic post ng dalawa, ilan naman ang nagsabi na tila “offensive” ito.

Ngunit hindi ito alintana ng magkasintahan, ine-enjoy lang nila ang kanilang relasyon. At patuloy lang sila sa pagpapakilig sa isa’t-isa.

At kamakailan nga lang, viral na naman ang naging reaksyon ni Ellen sa litratong ipinost ni Derek tungkol sa kanya.

Nagpost kasi si Derek ng litrato ni Ellen na nakanganga habang napakahimbing ng tulog.

Saad ng aktor sa kanyang caption, “You  know you really love someone when you don’t freak out when you wake up to this in the morning!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Agad namang nagkomento si Ellen sa post ng kasintahan, “Kaya pa’tay na pa’tay ka sakin eh,” say ni Ellen.

Kinagiliwan naman ito ng kanilang mga fans, marami din ang nagsabi na napakaganda pa din ni Ellen kahit tulog lang ito.

Plain housewife ang peg! Julia Montes ibinahagi ang paglilinis niya ng kanilang inidoro

Bea Alonzo at Dominic Roque buking na! lantaran na nga ba ang pag-iibigan