in

Ellen Adarna magdedemanda dahil sa paglabag sa health protocols ng mga nakatrabaho

Sunod-sunod pa din ang naglalabasang issue tungkol kay Ellen Adarna at sa production ng sitcom niya sa TV5.

Ngayon ay napabalitang magdedemanda naman ang aktres dahil sa maling resulta ng swab test niya.

Pagkagaling sa taping ng John en Ellen na diumano’y lumabag din sa health protocols dahil ‘di pala lock-in taping.

Binanggit ni Ellen na magpa-file siya ng reklamo laban sa kumpanyang nag-swab test sa kanila ng kanyang personal assistant o P.A. sa set dahil sa diumano’y false positive na resulta.

Iyon pala false positive dahil mali ang nagamit na pang-swab sa kanya ng nurse. Kuwento ni Ellen; “Sinaksakan ako ng positive control stick. ‘Yung stick shouldn’t be used on people or anything because it has… it’s a red stick only, Abbot has it.”

Nakunan umano ni Ellen ng video ang nasabing exit swab test na ito kaya nakita ang ginamit na stick.

Nagpaliwanag din si Derek sa nangyari kay Ellen lalo na nga raw na-stress ito.

At kahit false positive, nag-quarantine pa rin daw ito.

Pero may balak din si Ellen na magsampa rin ng reklamo sa IATF kaugnay sa mga nalabag daw na safety protocols sa set ng John en Ellen.

Kapag rest day daw nila ay may mga nag-iinuman na hindi dapat ganun. Kaya sinasabi raw ni Long na hindi nakikisama si Ellen.

“Hindi sa hindi nakikisama si Ellen, nag-iingat lang. Pagkatapos mo dapat mag-take ng scene, balik ka dapat sa kuwarto mo. Sa rest day, kailangan pa may inuman pang nagaganap, bawal ‘yun,” sabi pa ni Derek. Hiningan ko ng reaksyon si John kaugnay sa isyung ito, pero ayaw na lang daw niyang sagutin pa ito. “No comment” na lang daw siya.

Kris Aquino inamin na si Willie Revillame ang gusto ng mga anak niya para sa kanya

Julia Montes inumpisahan na ang training para sa ‘Ang Probinsyano’ video ng kanyang stunt viral na