in

Ellen Adarna madaming ibinunyag tungkol kay Derek Ramsay sa vlog collab nila ng JaMill

Maraming mga lihim na naibunyag si Ellen Adarna tungkol sa fiance na si Derek Ramsay sa vlog ng JaMill.

Kumasa ang engaged couple sa ‘Never Have I Ever’ challenge sa latest vlog ng couple vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad.

Sa challenge na ito ay may twist, pag hindi masasagot ang tanong ng JaMill ay kailangan uminom ng alak ni Derek.

Pero bago pa man mag-umpisa ang tanungan ay ibinahagi ni Derek na pina-shot niya muna si Jayzam bago ito pumasok ng kanilang bahay.

Naghanda ang JaMill ng dalawampung katanungan para sa kanilang challenge. At ang pinakaunang tanong nga ay. “Natae ng aksidente habang natutulog.”

Nagtawanan ang mga couples dahil sa tanong na ito. Aminado naman si Derek na pagdating sa ganoong usapan ay siya na ang may pinakamaraming istorya tungkol dito.

Hindi naman magkamayaw ng tawa si Ellen habang nagsasalita ang kanyang nobyo. Never naman ang sinagot ni Ellen at ganun din ang JaMill.

Never din naman ang sagot ni Derek habang pinapaliwanag niya na gising siya sa lahat ng pagkakataon. Sa likod ng maraming moments niya sa pagtae.

Ngunit bigla na lamang umapila si Ellen, paglalahad ng daring actress na may isang time daw na hindi alam ni Derek na may tae na pala siya.

Hanggang sa naalala naman ni Derek kung ano ang tinutukoy ni Ellen. Sinabi pa nga niya na UST daw ang naganap. It means “Utot Sabay Tae” kaya naman hagalpakan nanaman sila ng kakatawa.

Minwestra pa nga ni Ellen kung ilang beses pa daw bumalik si Derek sa upuan para linisin ito.

Panoorin dito ang nakakatuwang video nila:

8-karat diamond ring na regalo ni Ivana Alawi sa kanyang sarili nagkakahalaga pala ng 12 million pesos

Kilalanin ang napakagandang Russian girlfriend ng Kapamilya actor na si Joseph Marco