in

Ellen Adarna inamin kung sino ang aktor na kinahuhumalingan niya mula pa noon

Nawindang pala si Ellen Adarna sa kagwapuhan ng aktor na si Patrick Garcia.

Muli na namang gumawa ng ingay sa social media si Ellen Adarna matapos banggitin ang pangalan si Patrick Garcia

Sa tanong ng isang netizen kung sino sa mga aktor na nakatrabaho niya ang nagaguwapuhan siya.

Hindi maipagkakaila na isa si Patrick Garcia sa may pinaka maamong mukha sa industriya ng showbiz.

Kahit noong kabataan pa lamang niya ay talaga naman likas na ang kanyang kagwapuhan.

Dagdag pa ang galing niya sa pag-arte kaya naman marami ang nahuhumaling sa kanya, ultimo mga kapwa artista niya.

Sa edad na 39, tila walang kupas ang kagwapuhan ng isang Patrick Garcia dahil hanggang ngayon ay kitang kita pa din ito.

Nanatiling matikas ang kanyang pangangatawan at ang maamo niyang mukha ay nagpapakilig pa din sa marami.

At tila, isa ang aktres na si Ellen Adarna sa mga nawindang, kinilig, at naintimidate sa kagwapuhan ni Patrick.

Viral kasi ang video ngayon ni Ellen, kung saan natanong ang aktres kung sino raw ba ang pinakagwapong artista ang kanyang nakatrabaho o nakita.

Inihayag naman ng aktres ang karanasan niya sa scene nila ni Patrick kung saan ang role niya rito ay asawa ng aktor.

Nade-destruct daw si Ellen sa scene na iyon sa tuwing tinititigan niya sa Patrick at palaging nacu-cut ang shooting

Dahil nawawala siya sa focus.

Saad pa ni Ellen ay napakagwapo ni Patrick, lalo na sa personal.

Kaya naman hindi niya mapigilan na mawala sa focus pagdating sa kanilang shooting.

Maraming netizens naman ang sumang-ayon sa aktres. Saad pa ng ilan ay kahit makatrabaho din nila si Patrick o di kaya ay matignan ng malapitan ay maging sila ay mawawawala ang focus sa kanilang gagawin dahil sa taglay na kagwapuhan nito.

Angel Locsin muling kinabiliban dahil sa pasimpleng pagtulong nito sa isang tatay sa ospital

Aamin na nga ba? Dominic Roque hindi na nakapagpigil, sinabihan ng “i*y” si Bea Alonzo