in

Ellen Adarna hindi pinalagpas ang isang basher na nilait ang kanyang fiancé na si Derek Ramsay

Binweltahan ni Ellen Adarna ang isang netizen na kinutya ang itsura ng kanyang fiancé na si Derek Ramsay.

Magsi-siyam na buwan na ang relasyon nina Ellen at Derek, at nalalapit na rin ang kanilang kasal.

Kaya naman isang appreciation post para sa kanyang nobyo ang ibinahagi ni Ellen sa kanyang IG post.

Caption ni Ellen sa kanyang video post: “Fiance Appreciation Post  @ramsayderek07 shet, my hormones”

Maririnig naman na sinasabi ni Ellen sa video, “Love, you’re so handsome.” Makikita namang tili kinikilig si Derek.

Isa naman ang dating aktres na si Jackie Forster ang kinilig din sa lambingan nina Ellen at Derek. Saad nito, “So weird seeing Derek getting conscious [face with tears of joy emoji] iba ang powers mo Adarna! .. but be careful baka ma lamog si dong”

Sagot naman ni Ellen, “@jackie_forster better conscious than unconscious”

Ngunit kung may kinilig sa post na ito ni Ellen tila hindi pa din nawawala ang mga bashers ng celebrity couple.

May isang netizen kasi na bigla na lamang kinutya ang itsura ni Derek. Komento ng nasabing netizen, “Tanda na di na bagay sayo derik pa cute kalbo”

Hindi naman ito pinalagpas ni Ellen at agad niyang binweltahan ang pangbabatikos sa kanyang nobyo.

Matapang na sagot ni Ellen sa basher, “mukha ka din naman matanda ah… di na rin bagay sayo maki alam and humanash bakit, cute ka? ganda ka???!!!”

May isang netizen naman ang nag-IG Story ng komento ni Ellen.

Sabi nito sa caption: “Hahaha that’s why iloveyou @maria.elena.adarna”

Ni-repost ito ni Ellen at ang caption niya: “Tingin tingin din cya sa mirror pag may time.”

Dina Bonnevie na-meet na ang bunsong apo sa anak na si Oyo Sotto at misis nitong si Kristine Hermosa

Makahulugang IG stories ni Kiko Estrada matapos ang hiwalayan nila ni Heaven usap-usapan ngayon