in

Ellen Adarna binweltahan ang netizen na nagsabing baka pagsawaan lang siya ni Derek Ramsay

Muli na namang pumatol sa mga b4sher ang daring actress na si Ellen Adarna.

Kamakailan lang ay nagbahagi si Ellen ng bikini photo mirror shot niya sa Instagram.

Aniya sa caption, “Dear Universe, May I get this natural even tan again effortlessly. Thank you!”

Marami ang humanga sa pagiging fit ni Ellen, pati na din sa kanyang tan lines na anila ay bagay na bagay sa kanya.

Ngunit syempre magpasahanggang ngayon ay hindi pa din nawawala ang mga b4sher ng aktres.

May isang netizen kasi na nagkomento na baka pagsawaan lang siya ng mister na si Derek Ramsay.

Saad ng nasabing netizen, “Lagi na lang ganyan?? Baka pag sawaan ka girl”

Tila ang tinutukoy nito sa “Lagi na lang ganiyan” ay ang pagsusuot ni Ellen ng mga s3xy outfits. Agad namang bumwelta si Mrs. Ramsay sa komentong ito.

Aniya, “Pagsawaan? Pinakasalan nga diba. Matakot ka kung jowajowa lang.”

Maraming followers naman ni Ellen ang kinagiliwan ang kanyang sagot. Sinegundahan din nila ang pahayag ng aktres.

May mga nagsabi din na sa ganda at kaseksihan ni Ellen ay malamang na hindi magsasawa si Derek sa pagmamahal sa kanya.

Hindi ito ang unang beses na sinagot ni Ellen ang mga hindi kaaya ayang komento sa kanyang mga post.

Lagi siyang may bwelta at sinusupalpal niya ang mga b4shers. Kahit na nga kasal na sila ni Derek ay may mga hindi pa din makatanggap na masaya sila sa kanilang pagsasama.

Iya Villania malungkot na ibinahagi na tinamaan na din ng C0VID ang mga anak

Kwento ng isang misis tungkol sa huling sandali ng kanyang mister dumurog sa puso ng mga netizens