in

Ellen Adarna at Derek Ramsay nagbigay ng reaksyon sa posibleng pagtatambal nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres

Positibo ang naging reaksiyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa posibleng tambalan nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres.

Naging maugong ang balita na magsasama sa isang sitcom sina Andrea at John Lloyd kamakailan.

Ito ay naging usap-usapan ng banggitin ito ni Willie Revillame matapos lumabas ni Lloydie sa kanyang programa.

Excited naman umano si Andrea sa posibleng pagsasama nila ni John Lloyd dahil aniya fan siya ng aktor.

Ngunit wala pa umanong hinahain na proyekto ang GMA sa kanya ukol dito.

Samantala, sa isang panayam sa engaged couple na sina Ellen at Derek, nahingan sila ng reaksyon.

Ukol sa posibleng tambalan ng kanilang mga dating nakarelasyon.

Noong Hunyo unang napabalita ang planong show ni Willie Revillame para kina John Lloyd at Andrea.

Si Andrea ang dating girlfriend ni Derek na ngayon ay engaged na kay Ellen, na ina naman ng anak ni John Lloyd na si Elias.

“Good for them. More blessings, more fun,” reaksiyon ni Ellen, ayon sa ulat ng PEP.ph.

“That’s true! Congratulations,” tugon naman ni Derek.

“I mean, may project sila together. Maganda ang sitcom kasi it spreads good vibes. So, wala naman akong ano. Congrats!” dagdag pa nito.

Pagbabahagi naman ni Ellen ay in good terms daw sila ni John Lloyd at nag-uusap sila tungkol sa kanilang anak na si Elias.

Ngunit hanggang doon lamang daw ang kanilang pag-uusap.

Samantala, si Derek naman ay wala ng komunikasyon sa kanyang dating kasintahan na si Andrea magmula ng sila ay maghiwalay nakaraang taon.

Pagdating naman sa bagong proyekto, hindi pa umano masabi ni Derek kung ano ang next project na gagawin niya sa GMA-7.

Marami raw siyang naka-lineup na pelikula at yun daw muna sana ang gusto niyang gawin.

Queen Of Soul Jaya, nakabili na ng kauna-unahan niyang sasakyan sa Amerika

Isang Arabo na pinagsisilbihan ang kanyang mga kasambahay viral ngayon sa social media