in

Ella Cruz aminadong nasaktan sa mga pasaring sa kanya ni Pokwang

Labis umanong nasaktan ang batang aktres na si Ella Cruz sa mga naging patutsada sa kanya ni Pokwang.

Sa naging panayam kay Ella ni Boy Abunda kamakailan, hindi naitago ng dalaga ang pagkadismaya niya. Sa pambabatikos na kanyang natatanggap ngayon sa social media matapos ang niyang ihalintulad sa tsismis ang kasaysayan ng bansa.

Kaya naman hindi naiwasang mapatanong ni Ella kung bakit ganoon katindi ang natanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens.

Natanong din ng King Of Talk kung ano ang naramdaman ni Ella nang malaman niya na may mga celebrities rin na nag-react. Sa kanyang controversial statement na “History is like tsismis” gaya nina Pokwang at Agot Isidro.

Naging emosyonal naman si Ella sa parteng iyon. Dahil aniya hindi niya inaasahan na babatikusin siya ng kanyang itinuring na nanay-nanayan na si Pokwang.

Sinabihan niya ring OA ang isang tweet ni Pokwang at below the belt.

“Hindi ko inasahang masasabi niya ‘yun. Naging nanay ko po kasi siya. Even though 10 years ago… Okay lang ‘yung isang tweet, pero tatlo po kasi ‘yung nakita ko, e. ‘Yung pangalawa, OA na. Below the belt na,” aniya.

Nasaktan umano siya dahil yung mga taong hindi niya inaasahan ay ang nagsalita pa sa kanya.

“Sobrang sakit. Masakit na ‘yung mga taong hindi mo talaga inaasahan, sila pa ‘yung makakapagsalita ng ganiyan sa ‘yo. Ni hindi ka man lang nila tinext, ni hindi ka man lang nila ni-DM man lang,” dagdag pa niya.

“END OF AN ERA” Coco Martin inanunsyo na ang huling tatlong linggo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Toni Fowler nakatanggap ng 32-million worth of life insurance mula sa nobyong si Vince Flores