in

Elisse Joson at McCoy de Leon umamin na sa publiko na may anak na sila, kinuhang ninong si Big Brother

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin na sa publiko nina Elisse Joson at McCoy de Leon na meron na silang baby.

Linggo ng gabi, October 31, inilahad ng dalawa ang rebelasyon sa kanilang guesting sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Sa nasabing episode ng Pinoy Big Brother, binisita ng dalawa na kapwa former housemates si Big Brother.

Matatandaang nabuo rin ang kanilang tambalan sa loob ng bahay ni Kuya noong 2016.

“Nagpapasalamat kami na makabalik ulit dito and i-share po sa inyo ang magandang balita po namin. Naisip po namin na dito po kami nagsimula sa bahay po ninyo and malaki po ang utang na loob po namin,” pahayag ni Elisse.

“Kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl,” dagdag pa niya.

“This is baby Felisse McCenzie, ayan po, yung pangalan niya galing po siyempre hati sa amin ni McCoy. Siya ang lucky charm po namin. She is our greatest blessing po talaga,” sabi pa ng aktres.

Sabi naman ni McCoy, napili nilang sa “PBB” at kay Kuya aminin at ipakilala ang anak nila ni Elisse dahil doon nga nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

“Nagpapasalamat kami na makabalik ulit dito and i-share po sa inyo ang magandang balita po namin.

Bukod dito, kinuha rin nila si Kuya bilang ninong ng anak nila.

Sagot naman ni Big Brother sa celebrity couple, “Una sa lahat ay nais kong magpasalamat sa inyong alok sa akin, at gusto kong malaman niyo na lubos kong tinatanggap ito.

“Isang karangalan ang maging ninong ng anak ninyo. Higit sa lahat, congratulations, McCoy at Elisse!” sabi pa ni Kuya.

Batikang kolumnista na si Cristy Fermin tinawag na ‘Queen of all Marites’ ng mga netizens

Heart Evangelista sinupalpal ang kanyang basher sa kanyang Instagram na nag komento sa kanyang “kili-kili”