in

Ejay Falcon nagbalik tanaw sa kanyang buhay noon bilang kargador, malaki ang pasasalamat sa buhay niya ngayon

Ejay Falcon, nagbalik tanaw sa kanyang pamumuhay noon.

Malayo na ang narating ng aktor na si Ejay Falcon ngayon. Hindi maitatanggi na isa siya sa mga mahuhusay na artista ng kanyang henerasyon.

Nagsimula ang karera ni Ejay nang sumali siya sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother at tinanghal bilang Big Winner para sa Teen Edition Plus.

Pagkatapos noon, nabigyan ng oportunidad na sumabak sa pag-aartista ang former PBB housemate.

Dahil sa kanyang galing umarte, nabigyan ng maraming projects si Ejay. Sa katunayan, nagkaroon pa siya ng oportunidad na makatrabaho ang ilang naglalakihang artista sa industriya.

Ilan sa kanyang mga big projects ay ang mga teleseryeng Sandugo, Pasion De Amor at Dugong Buhay.

Kaya naman ganoon na lang ang pasasalamat ng aktor ngayon para sa mga biyaya na kanyang tinatamasa ngayon.

Sa kanyang Instagram, nagbalik tanaw ang aktor kung paano siya nagsimula sa simpleng buhay.

“15 years ago, isa akong ordinaryong binata sa Mindoro na rumaraket bilang kargador para makatulong sa pamilya at pambaon sa School, Sako sako ng kopra ang binubuhat ko kasama ang aking mga kaibigan bilang ito ang isa sa pangunahing hanapbuhay samin sa Bacawan Pola Oriental Mindoro,” pagbabalik tanaw ng aktor.

Kasama nito ay ang kanyang throwback photo na nagsisilbing “reminder” sa kanya para magpasalamat sa biyayang natatanggap niya ngayon.

Malaki daw ang pasasalamat ni Ejay dahil mula sa isang kargador ay magandang buhay na ang kanyang nakakamtan ngayon.

Jiro Manio ineenjoy na ang simpleng pamumuhay, aminadong hindi pa handa na bumalik sa pag-aartista

Latest photo ni LJ Reyes umani ng papuri, unti-unti ng nakakabangon mula sa heartbreak