in

Edu Manzano kinumpirma na may relasyon na nga sila ni Cherry Pie Picache

Confirm! Magkarelasyon na nga ang mga veteran artists na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ang sweet photos nina Edu at Cherry Pie. Habang nagbabaksyon sila sa  New York kasama ang kanialng mga kaibigan.

Nang dahil sa kanilang mga larawan ay hinala ng mga netizens na may namumuong relasyon na nga sa dalawa.

Samantala, noong Biyernes, November 19, naglabas ng art card ang News5 na nagkukumpirmang magkarelasyon na sina Edu at Cherry Pie.

Mababasa sa nasabing art card: “CHERRY PIE PICACHE AT EDU MANZANO, MAGKARELASYON NA”

Sa ekslusibong ulat ng News5, ayon sa kumpirmasyon ng TV anchor na si Cheryl Cosim, magkarelasyon na nga ang dalawa. Ang confirmation ay galing umano mismo sa beteranong aktor.

Diretsong inamin ni Edu kay Cheryl na totoong magkarelasyon na sila ni Cherry Pie.

Sa mga larawang ibinahagi ni Cherry Pie sa Instagram higit isang linggo na ang nakalilipas, kasama niya si Edu sa naging reunion ng “Marry Me, Marry You” stars at iba pang Kapamilya stars sa Amerika.

Nitong nakaraang linggo, ilang blind items din ang lumabas tungkol sa dalawang batikang aktor na ngayo’y magkarelasyon na.

Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Edu ay isang non-showbiz, si Iryne Garcia. Tumagal din ng ilang taon ang kanilang relasyon.

Samantala, si Cherry Pie naman ay nagkaroon ng longtime boyfriend na si Gary Tria, at nagkaroon ng isang anak na lalaki, si Nio.

Aktres na si Ritz Azul ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Mga kaganapan sa civil wedding nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo inilabas na!