in

Dra. Vicki Belo first time lang nakakita ng katol, hindi alam kung paano ito gamitin

Kinaaliwan ng mga netizens ang naging reaksyon ni Dra. Vicki Belo nang makakita ito ng katol.

Sa latest vlog ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel, binisita niya ang sikat na celebrity doctor. Nilibot niya ang kanyang mga viewers sa bahay ni Dra. Belo.

Sa simula ay seryoso ang kanilang kwentuhan tungkol sa mga bagay bagay. Hanggang niyaya ni Dra. Belo si Vice sa kanyang kwarto para ito naman aniya ang ipasilip niya sa madla.

Sa paglilibot nga ni Vice ay marami siyang mga natagpuang “dirty secret” ni Dra. Vicki gaya ng maduming electric fan.

Sa paghiga naman ni Vice sa kama ni Dra. Belo ay agad niyang napansin ang butas na bedsheet. Pati na ang maduming brief sa ilalim ng unan nito na tila sinadya para i-playtime ang doktora.

Sa patuloy na paghahalughog ni Vice sa kwarto ni Doc Vicki ay nakakita siya ng katol.

Pinakita niya iyon kay Dra. Vicki ngunit aniya ay hindi sa kanila iyon dahil hindi naman sila gumagamit ng katol. Bilang challenge, hinayaan ni Vice na si Dra. Belo ang maghiwalay sa dalawang magkadikit na katol.

Tila first time namang makakita ng doktora ng katol kaya hindi niya alam kung paano ito paghiwalayin.

Sa huli ay nagawa namang paghiwaIayin ni Dra. Vicki Belo ang dalawang katol na walang nababali kaya ang next challenge sa kanya ni Vice ay kung paano ito sisindihan at ilalagay sa stand.

Kahit hirap ay tuloy lang ito. Maging ang ilang kasamahan nila ay tawang-tawa kay Dra. Belo dahil hindi nito alam kung paano ilagay sa stand ang katol.

Napuno naman ng palakpakan mula kina Vice at mga kasama ni Dra. Belo sa bahay nang matapos ng doktora ang challenge.

Xian Lim nagbagong taon nang may sugat sa ulo dahil sa kagat ng buwaya!

Mga larawan at videos ng kawang-gawa ni ‘Mang Boy’ usap-usapan ngayon sa social media