in

DJ Loonyo nag-sorry kay Toni Fowler dahil sa mga pangyayari noon nang magkita sila sa ‘Battle Of YouTubers’

Nanghingi ng patawad at tinanggap ang pagkakamali.

‘Yan ang ginawa ni DJ Loonyo kamakailan nang magkaharap sila ni Toni Fowler sa ‘Battle Of YouTubers’

Matatandaan, nakaraang taon ay naging trending si DJ Loonyo dahil sa paglabas ng kanyang buhay sa ‘Magpakailanman.’

Dito ay nabunyag ang nangyari sa kanila ng dati niyang kasintahan na nagkaroon siya ng anak.

Taliwas umano sa totoong buhay ang kwentong inilabas ng Magpakailanman tungkol sa ex-girlfriend ni Loonyo.

Kaya naman matapos itong umere ay nagbigay ng pahayag ang ex ni Loonyo na si Aika Flores.

Isiniwalat niya ang totoong mga pangyayari simula ng makarelasyon niya si Loonyo at hanggang nagkaroon sila ng anak.

Sa gitna ng mainit na kontrobersiyang iyon ay nagbigay din ng kanyang pahayag si Toni Fowler ng mga panahon na iyon.

Dahil aniya kaibigan siya ni Aika at isa siya sa naging saksi sa mga totoong pangyayari.

Inihayag ni Toni ang diumano’y nakaraan ng dalawa. Sinabi rin nito na kaibigan niya si Aika at nais lamang niyang ipagtanggol ito mula sa mga nambabatikos dito dahil sa naging pahayag nito.

Sa panayam naman kay Makagago noon ay inamin lahat ni DJ Loonyo ang mga pagkakamali niya.

Samantla, sa naganap na ‘Battle Of YouTubers’ kamakailan ay nagkaharap sina Toni at Loonyo.

Dito ay nag-sorry si Loonyo kay Toni dahil sa mga naganap na pangyayari noon.

Si Toni naman ay ipinaliwanag ang kanyang side noon at pinagsabihan din si Loonyo sa mga nagawa niya.

Sa huli ay naging maayos na ang dalawa at ninais pa nga umano ni Loonyo na maging kaibigan si Toni.

Saad naman ni Toni, “Magiging magkaibigan tayo ‘pag nakabuntis ka ulit eh paninindigan mo,” na nag-ugat ng tawanan ng lahat.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

KC Concepcion at Apl.de.ap namataang nag-date sa isang restaurant sa Los Angeles kung saan naroon din si Piolo Pascual

Jake Ejercito muling bumalik sa Siargao para sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie