in

Diretsong nasupalpal ni Nadine sa twitter ang isang basher na duda sa concern niya sa mga apektado ng bagyong odette!

Usapin ngayon ang panunupalpal ni Nadine Lustre sa isang basher sa twitter na pilit siyang sinisiraan sa genuine concern niya sa mga lugar at taong apektado ng hagupit ng bagyong Odette.

Naging active ang artista sa twitter dahil sa kaniyang pag-aalala sa mga nasugatan ng bagyong Odette. Na kamakailan lang ay tumama sa malaking parte ng Mindanao lalong lalo na ang Siargao.

Nagbahagi siya ng kaniyang nararamdaman sa mga nasalanta ng bagyo. Ani niya, takot ang kaniyang nararamdaman buong araw. Hindi siya makapag-isip ng maaayos dahil sa mga nangyayari dala ng panahon. “Please, let’s all help everyone affected by Typhoon Odette,” mungkahi niya.

Dagdag pa niya, ang supposed to be happy and calm trip sana sa airport papuntang siargao ay nauwi na parang warzone dahil sa epekto ng bagyo.

Mabait at bukal ang puso ng dalaga noon paman. Pero hindi parin mawala talaga ang mga taong duda sa kabaitan ng isang tao.

“Kunwari Typhoon Odette. Nag alala lang yan KY Christophe. Bilis makasiargao,” ani ng basher tinutukoy na Christophe ay ang founder at manager ng Maison Bukana, isang botique resort sa Siargao Island na siyang kinakasama ni Nadine ngayon. Hindi nakatiis ang artista, pinagtanggol niya ang kaniyang sarili. Pahayag nito, “ofcourse I’m worried + para kang tanga”

Marami ngayon ang nagtatanggol kay nadine ani pa ng iba, “As for the post, haha. Baliw ang basher. Natural lang mag alala sa bagyo at sa loved ones. Ngek. Kayo di kayo nag aalalala sa kaligtasan ng jowa niyo.”

Julia Montes napuri ni Sharon Cuneta na pinagmulan ng batikos mula sa mga netizens

Iginiit ni Paolo Contis na malabo mangyari ang kumakalat na issue na buntis raw si Yen Santos!