in

Direk Bobet Vidanes pinutol ang communication sa mga It’s Showtime hosts, tanging si Jhong Hilario lang ang kinakausap

Aminado si Direk Bobet Vidanes na hindi na niya kinakausap ang mga host ng It’s Showtime.

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi na ni Direk Bobet ang tunay na dahilan ng pagalis niya sa It’s Showtime.

Aniya hindi na daw kasi healthy ang pag stay niya sa nasabing noontime show.

Tinawag di ni Direk Bobet na ‘t0xic’ ang environment sa nilisan na show. Kung saan siya mismo ang nagtatag at namuno simula October, 2009 hanggang November, 2020.

Matapos talikuran ang programa maging ang estasyon ng ABS-CBN, kaagad naman itong lumipat para maging creative producer sa TV5 noontime show na Lunch Out Loud na katapat ng dati nitong programa.

Nang tanungin ng PEP.ph kung ano ang totoong dahilan ng kaniyang pag alis sa It’s Showtime? Ito ang kaniyang naging sagot.

“I don’t know pero, ang naramdaman ko rin kasi talaga parang hindi nila ako kailangan doon. Toxic na, e. Sad to say pero yun yung totoo talaga.”

Sa mga sumunod na salita ni Bobet, idinaing niya ang problemang kinaharap sa It’s Showtime.

“Dati po kasi, ako ang lider dun. Tapos, ang dami nang lider.

“Lahat po, gusto nang maging lider.

“So, it’s not good,” malamang rebelasyon niya.

Inamin din ni Direk Bobet na totoong pinutol niya ang komunikasyon nila ng hosts para umiwas sa isyu dahil sa pag-alis niya at paglipat sa karibal na noontime show.

Iniiwasan daw niyang may maimpluwensiya siya sa kanyang pag-alis.

Ayon pa kay Direk Bobet tanging si Jhong Hilario lang ang nakakausap niya ngayon sa mga host ng It’s Showtime.

Hindi man binanggit ay hindi naman kaila na tila may samaan ng loob sina Direk Bobet, Vice Ganda at Vhong Navarro.

International artist na si Kylie Brakeman nadamay sa isyu nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Cristy Fermin pinuri si AJ Raval sa paghingi nito ng tawad kay Kylie Padilla, sinabing napalaki ng maayos ang aktres ng kanyang mga magulang