in

Direk Bobet Vidanes ipinagmalaking TRUE friends umano sila nina Billy Crawford at Kim Atienza

True friends umano ang turingan ng mga dating kabilang sa It’s Showtime family na sina Direk Bobet Vidanes. Billy Crawford at Kim Atienza.

Sa isang Instagram post ni Direk Bobet Vidanes kasama si Billy Crawford at kuya Kim Atienza last November 5, kapansin pansin ang caption ni Direk na “We are together.. forever, Good friends! TRUE friends! Good to be with you guys.”

Naka-capitalized talaga ang ‘TRUE’ na wari ay may pinapatamaan. Matatandaan, sa pagdiriwang ng kanyang birthday kamakailan, nagviral ang naging pahayag ni Direk Bobet.

Kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay sinabi na niya. Ang tunay na dahilan umano kung bakit siya umalis sa It’s Showtime.

Naging emosyonal pa nga ang direktor noon habang nakaere sa bago niyang noontime show sa TV 5.

Pagbabahagi niya ay hindi na daw healthy ang pagtatrabaho niya sa Kapamilya network. Hindi naman niya tinukoy kung bakit.

Isa pa sa naging dahilan niya ay ang pagdadag ng mga host ng hindi daw niya nalalaman. Hindi man pinangalanan ay nasigurado naman ng marami na si Kim Chiu ang kanyang tinutukoy.

Bukod sa naging issue ni Direk Bobet sa It’s Showtime. Naging hot trending topics din ang pag unfollow sa mga social media accounts sa isa’t isa nina Billy at Vice.

Naging usap usapan din ang naging posted comment ni Kuya Kim sa post ni Camille Prats Yambao na sakit ng ulo lang umano ang programa!

Naku, ano na naman kaya ang kasunod nito?

Cristy Fermin muli na namang pinuna ang mga mamahaling kagamitan ni Jinkee Pacquiao

Buboy Villar naging emosyonal sa pag-uwi ng panganay niyang anak sa mommy nito sa America