in

Dina Bonnevie na-meet na ang bunsong apo sa anak na si Oyo Sotto at misis nitong si Kristine Hermosa

Finally ay nabisita na ni Dina Bonnevie ang kanyang apo sa anak na si Oyo Sotto.

Ito ang masayang ibinahagi ng aktres na si Kristine Hermosa. Sa kanyang IG post sinabi nito na sa wakas ay nakasama nilang muli ang kanilang Mommy Di.

Saad ni Kristine sa kanyang caption, “Yaaay… finally got to see our Mama Di!  we missed you so much…”

Kalakip nito ay ang litrato ni Dina habang karga ang kanyang bunsong apo, na noong araw lang din na iyon niya na-meet in person.

Sa kasunod na litrato ay makikitang kasama din ni Dina ang anak na si Danica Sotto sa pagbisita sa tahanan nila Kristine at Oyo.

Ngayon lang ulit nila nakasama ang kanilang ina dahil sa pagsunod sa protocol ng gobyerno. Maraming netizens naman ang agad nabighani sa kagandahan nina Kristine, Dina at Danica.

May ilan ding namangha sa taglay na ganda ni Kristine kahit kapapanganak lamang nito nakaraang buwan. Blooming at fresh na daw agad ang itsura ng aktres.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“ate tin grabe ang ganda ganda mo”

“Grabi sobrang ganda ni kristine khit walang make up or filter ung cam lutang ang ganda”

“Eh un lola mukhang mommy lang nun baby. Un mommy at tita nun baby mukhang kapatid lang nya. Gandang lahi”

“Grabe ganda ni ms. @dinabonnevie pati sila tin at danica… oyo is so lucky indeed”

“kamukha nga tlaga ni miss @dinabonnevie si ondrei”

Bago pa man bisitahin ni Dina sina Kristine at Oyo ay nauna niyag pinutahan si Danica at may TikTok showdown pang naganap sa mag-ina.

Kilalanin si Lyza Bayola ang artistahin din na anak ni Dabarkads Wally Bayola

Ellen Adarna hindi pinalagpas ang isang basher na nilait ang kanyang fiancé na si Derek Ramsay